Sunday, August 06, 2006

all for the love of the YOUth...

okay, let us face the truth...

so, wala ako sa Ministry of Altar Servers for a year, hangga't hindi nagkakaroon ng renewal for this year, hanggang November 2006. kung walang renewal this year, ewan ko na lang kung ano ang mangyayari. isa sa mga paa ko ay naputol... at kahit na meron pa namang iba, hindi pa rin makayanan ng kalooban ko na mawala sa Ministring ito.

Isa ito sa mga pinakamasakit na bahagi ng buhay-simbahan ko... noong mga panahong yun.

Ngayon, nakakayanan ko na ring harapin iyon, kasi alam ko na this is just one of the plans of God for me. at dalangin ko na sana, ay muli akong makapaglingkod sa Altar ng Panginoon.

and with the "sort of" end of one thing, comes a brand new package na hindi ko naman pinagsisihan...

Here comes my comeback to the Parish Youth Ministry. within that time na nasa MAS ako, ay inintroduce kami sa PYM. at nagustuhan ko naman, pero hindi ganung kaseryoso. ngayon, sa pagkawala ko sa MAS, ay talagang tinanggap ako ng mga kakosa ko sa PYM, at na-feel ko na at home ako kasama sila. and with that, ay natanggap ko ang misyon ng pagiging isang tunay na Katolikong kabataan. kahit na hindi ko kaya, alam ko na nandiyan ang Panginoon, at gagabayan ako.

mula sa harap ng kompyuter at sa kaibutruran ng puso ko, Agosto 06, 2006.

litra003@yahoo.com

No comments:

Post a Comment