Saturday, August 12, 2006

Nasaan si Hesus? Nasaan na ba siya?!?

oo nga naman,... alam ninyo, nung una kong mabasa yung banner na may nakasulat na "Nasaan Si Hesus?", ay na-realize ko ang pangangailangan ko para sa kanya.

well, tungkol nga ba saan ang pinagsasabi ko? well ulit, it's all about a musical play na Directed ni Nestor U. Torre. it's all about the situations na kinahaharap ng mga tipikal na tao sa ngayon, at ang paghahanap niya kay Hesus (na sa totoo lang, eh nakita na niya, pero hindi niya talaga maramdaman. Hayy naku...).

Maraming mga klaseng tao na ipinakita sa play na ito... meron yung mga Drug Addict, mga Street Children, mga "Manang de Iglesia" o yung mga matatanda sa Simbahan na walang ginawa kundi tsismis, yung Parish Leader na namamangka sa dalawang ilog, yung inosenteng babae na kinasuhan ng krimen na hindi niya ginawa, yung mga batang pinipilit na pagtrabahuin, yung mga indegenous people na dinala sa siyudad, yung kabataan na hindi sinasadyang nakabuo, at hindi alam kung paano ito sasabihin sa kanyang mga mahal sa buhay. Lahat sila ay nagtatanong... "Nasaan na nga ba si Hesus?"

Habang nanood ako, natatawa, naiiyak, at iba pa, ay nare-realize ko sa sarili ko na hindi ko pa nakikita si Hesus, kasi, kung nakita ko na siya, eh meron akong nagagwa para sa mga taong ito, pero sa realidad, wala pa akong nagagawa. Kasi nga, sabi niya, "Kung anong gawin ninyo sa mga pinakamaliliit na mga ito, ay ginawa na rin ninyo sa akin." Alam ko na hindi ko pa siya nakikita, pero malapit na, alam ko, malapit na.

Sana, kung may makapanood pa ng napakagandang play na ito, eh marealize din natin ang mga bagay na ito, sana.

NASAAN SI HESUS?

No comments:

Post a Comment