Wednesday, November 01, 2006

dahil sa mga indulhensya...

alam ninyo?
balisang-balisa ako.
bakit naman?
malay ko.

Lagi akong nakatingin sa buhay bilang isang perpektong bagay. walang problema, walang magbabawal sa iyo, walang masama, walang hindi pwedeng gawin, as in... lahat, pwede.

pero, hindi naman ganoon, eh... laging may bawal, laging hindi pwede, laging may problema, laging may masama,...

bakit nga ba ganoon?

pero sa pagtagal, nakita ko ang dahilan, kung bakit nga ba ganoon...

I'm just insecure...
I'm not walking in the right way.
I'm not who I must be.

I need help...
I need someone to guide a guy like me.

I found him, but I just can't recieve fully his teachings.
I loved him, but it just seems it's still lacking.
I want to be with him always, but there is something that makes me not to follow him.

i'm in sin.

I took the test. failed.
I took another one. failed again.
I had a retake. failed for the nth time.

I want to be a saint, but I'm in sin.
I want to be in glory, but I'm in sorrow.
I'm in sin, but still, I don't have that enough supplications.

But I still hope.
hoping that he will still be there for me.
hoping that I will be out of sin.
hoping that I will get out of the sorrow.
hoping that I will pass the test this time.

Conclusion?

tayo ay laging nahaharap sa mga sitwasyon na napupunta sa resolusyon na "ayaw ko na. suko na ako. baboosh na!!!" mali iyun.
kahit na tayo ay nasa kasalanan, kahit na tayo ay nadadapa, kahit na tayo ay pinagtakpan ng langit at lupa, kahit na kamukha natin si bakekang, magbago man ang ikot ng mundong ibabaw, kahit na dumaan ang maraming bagyong milenyo, kahit na ilang EDSA revolution ang dumaan, kahit na magunaw ang mundo...
isa lang ang hindi magbabago. si God.
Mahal na mahal niya tayo. kinakalinga niya tayo. sumisikat pa rin ang araw. nagigising pa rin tayo. may mga konsensya pa rin tayo. nakakapaglakad pa rin tayo. yung iba, may wheelchair, pero nakakapag-ikot-ikot pa rin. nakakakanta pa rin tayo. nagagawa pa rin natin ang iba't ibang mga bagay na pwede nating gawin.

talagang mahal na mahal niya tayo. nararamdaman ko kasi, eh.

wag tayong sumuko. wag tayong mawalan ng pag-asa. wag tayong masiraan ng loob.

Lagi siyang nandiyan para sa atin. mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NIYA TAYO!!!

(PS: ngayong November 01, bukas, November 02, ay pinagkakaloob ng Simbahan ang PLENARY INDULGENCE para sa mga taong magsisimba,bibisita sa Sementeryo, o magdarasal para sa mga kaluluwa sa Purgatoryo. kaya ako inspired ngayon!!! hehe!!! :))

November 01, 2006

No comments:

Post a Comment