Monday, January 30, 2012

BANANAS: A very interesting FACT

Never, put your banana in the refrigerator!!!...
This is interesting. After reading this, you'll never look at a banana in the same way again.

Bananas contain three natural sugars - sucrose, fructose and glucose combined with fiber. A banana gives an instant, sustained and substantial boost of energy.

Research has proven that just two bananas provide enough energy for a strenuous 90-minute workout. No wonder the banana is the number one fruit with the world's leading athletes.

But energy isn't the only way a banana can help us keep fit. It can also help overcome or prevent a substantial number of illnesses and conditions, making it a must to add to our daily diet.

According to a recent survey undertaken by MIND amongst people suffering from depression, many felt much better after eating a banana. This is because bananas contain tryptophan, a type of protein that the body converts into serotonin, known to make you relax, improve your mood and generally make you feel happier.

Forget the pills - eat a banana. The vitamin B6 it contains regulates blood glucose levels, which can affect your mood.

High in iron, bananas can stimulate the production of hemoglobin in the blood and so helps in cases of anemia.

This unique tropical fruit is extremely high in potassium yet low in salt, making it perfect to beat blood pressure. So much so, the US Food and Drug Administration has just allowed the banana industry to make official claims for the fruit's ability to reduce the risk of blood pressure and stroke.

200 students at a Twickenham (Middlesex) school ( England ) were helped through their exams this year by eating bananas at breakfast, break, and lunch in a bid to boost their brain power. Research has shown that the potassium-packed fruit can assist learning by making pupils more alert.

High in fiber, including bananas in the diet can help restore normal bowel action, helping to overcome the problem without resorting to laxatives.

One of the quickest ways of curing a hangover is to make a banana milkshake, sweetened with honey. The banana calms the stomach and, with the help of the honey, builds up depleted blood sugar levels, while the milk soothes and re-hydrates your system.

Bananas have a natural antacid effect in the body, so if you suffer from heartburn, try eating a banana for soothing relief.

Snacking on bananas between meals helps to keep blood sugar levels up and avoid morning sickness.

Before reaching for the insect bite cream, try rubbing the affected area with the inside of a banana skin. Many people find it amazingly successful at reducing swelling and irritation.

Bananas are high in B vitamins that help calm the nervous system..

Overweight and at work? Studies at the Institute of Psychology in Austria found pressure at work leads to gorging on comfort food like chocolate and chips. Looking at 5,000 hospital patients, researchers found the most obese were more likely to be in high-pressure jobs. The report concluded that, to avoid panic-induced food cravings, we need to control our blood sugar levels by snacking on high carbohydrate foods every two hours to keep levels steady.

The banana is used as the dietary food against intestinal disorders because of its soft texture and smoothness. It is the only raw fruit that can be eaten without distress in over-chronicler cases. It also neutralizes over-acidity and reduces irritation by coating the lining of the stomach.

Many other cultures see bananas as a 'cooling' fruit that can lower both the physical and emotional temperature of expectant mothers. In Thailand , for example, pregnant women eat bananas to ensure their baby is born with a cool temperature.

So, a banana really is a natural remedy for many ills. When you compare it to an apple, it has FOUR TIMES the protein, TWICE the carbohydrate, THREE TIMES the phosphorus, five times the vitamin A and iron, and twice the other vitamins and minerals.. It is also rich in potassium and is one of the best value foods around So maybe its time to change that well-known phrase so that we say, 'A BANANA a day keeps the doctor away!'

PS: Bananas must be the reason monkeys are so happy all the time! I will add one here; want a quick shine on our shoes?? Take the INSIDE of the banana.

Thursday, January 26, 2012

The Philosophy of Charles Schulz

The following is the philosophy of Charles Schulz, the creator of the "Peanuts" comic strip. You don't have to actually answer the questions. Just read the e-mail straight through, and you'll get the point.

1. Name the five wealthiest people in the world. 
2. Name the last five Heisman trophy winners. 
3. Name the last five winners of the Miss America. 
4. Name ten people who have won the Nobel or Pulitzer Prize. 
5. Name the last half dozen Academy Award winner for best actor and actress. 
6. Name the last decade's worth of World Series winners.

How did you do?

The point is, none of us remember the headliners of yesterday. These are no second-rate achievers. They are the best in their fields. But the applause dies. Awards tarnish. Achievements are forgotten. Accolades and certificates are buried with their owners.

Here's another quiz. See how you do on this one:

1. List a few teachers who aided your journey through school. 
2. Name three friends who have helped you through a difficult time. 
3. Name five people who have taught you something worthwhile. 
4. Think of a few people who have made you feel appreciated and special. 
5. Think of five people you enjoy spending time with.


The lesson: The people who make a difference in your life are not the ones with the most credentials, the most money, or the most awards. They are the ones that care.

"Don't worry about the world coming to an end today. It's already tomorrow in Australia." 
(Charles Schulz)

Monday, January 23, 2012


Five moving thoughts for January...

1. Kung di ayon sa iyo, huwag kang makibagay!

2. Kung hindi ka naman kasama at di ka naman isinasama, huwag kang gumawa ng bagay na ikakapansin mo.

3. Kung magpapakita ka ng bagay na ikakasira mo, siguro magpalibing ka na ng buhay.

4. Manahimik ka sa isang tabi; wag kang palakad-lakad. At huwag mong mumurahin ang tao sa harap na parang palamunin mo siya.

5. Iba ang klasrum sa kalsada. Kaso kung ikaw rin ang maglilihis sa pagkakaibang ito, mas mainam pa nga'ng manahimik ka na lang.

Tuesday, January 10, 2012


I felt remorse over what happened yesterday in the Procession of the Black Nazarene in Quiapo. 22 hours of staggering walk, loss of sleep and patience, and noncooperation of other devotees made other spectators tag the event an act of fanaticism, including myself. The Image is so much loved by Filipinos, but let us also remember the difference between veneration and idolatry. Let's face the reality, ponder from it and do our best next time.

Anyway, I posted this story in the KBKP Page yesterday. As my own work, I am also posting it here in the blogsite so that you may also read it. Enjoy! VIVA NAZARENO!


Disclaimer: The events and persons pertained in this story are merely fictional. But remember, a story is dead without the imagination of its reader, so make it ALIVE!

“Ok, mga kapatid. Ang susunod na magpapatoo sa atin ngayong kapistahan ng Mahal na Poon Jesus Nazareno ay isang kilalang tao, artista pa nga siya, eh! Nakilala na natin siya sa mga seryeng Amayita, May Bukas Doon, at Marimarimar kasama ang hit rin na artistang si Mari. Narito siya upang magpatotoo sa nagawa ng Poong Nazareno sa buhay niya. Tawagin na natin siya, si Mr. Kimy Mendoza!”

Di ko alam ang sasabihin ko noon sa harap ng milyun-milyong tao na dumagsa sa Quirino upang humalik at makalapit sa Poon. Saan ako magsisimula? Nagdasal ako kahit saglit upang magabayan ako sa aking gagawin, at pagkatapos nito ay nagsimula akong magsalita.

“Hindi naman talaga ako deboto sa Poon noon. Ni hindi ko talaga nakita ang sarili ko na magkaroon ng debosyon sa larawan ni Hesus na naghihirap at nasa saklap na kalagayan. Sikat ako noon hindi lang sa TV pati na rin sa pelikula. Matinee Idol nga daw ako eh.

'WAH!!!! KIMY!!! KIMY!!!'

Hindi ako kuntento na supporting role lang ang meron ako. Lead ang laging gusto ko, kahit na four years pa lang ako sa industriya.

'Ok, Mr. Mendoza. We promise you that the plot of this story is worth the ratings. The story is very exotic, and it has a powerhouse cast. You shall be coupled with Mari, so we can see a big boom in this show.'

'Ok, call!'

Yung program na potential for ratings ang mas pinipili ko. Higher ratings, higher price. Ayoko ng pipitsugin.

'And the Best Actor is... KIMY MENDOZA!'

'Thank you very much for this award! Alam kong magaling ako kaya I deserve this award. Thank you also sa mga nagmamahal at sumusuporta sa akin, though I don't need you at all. Thanks again!'

Feel ko talagang nasa itaas. Feel kong laging maka-receive ng Best Actor sa bawat award-giving body na dinadaluhan ko. Kapag supporting award lang ang natatanggap ko, mas pinipili ko pang pumunta sa ibang lugar at mag-party kesa sa pumunta.

'Kimy! Pwede pa-autograph?'
'... (titingin, sabay irap, at ngingiti sa ibang fans paalis.)'

At higit sa lahat, walang ibang mas hihigit dapat sa akin. Kapag di kita kilala, di kita papansinin! Bakit, close ba tayo?

‘Mr. Mendoza, our parish community is currently constructing a Multi-purpose hall. We would appreciate any material help you could extend to us.’

‘Sorry po, Father ah. I’m very busy with endeavors that I can’t even consider your request.’

‘But Mr. Mendoza…’

‘Bye, Father, may taping pa po ako.’ (slams phone)

Walang Diyos para sa akin noong panahong iyon; ang mahalaga ay ako, ang pera ko at ang katanyagan ko bilang isang artista. Diyos? Wah! Sa totoo lang, para siya sa mga taong wala nang pag-asa sa buhay, at mga taong batugan na inaasa sa bagay na di nila Makita ang kanilang kahihinatnan sa kawawa nilang buhay.

Dati rin akong sadlak sa alak, babae at sugal. Hindi rin nga ako nagsisimba, eh. Mas pinipili ko pang maglaro sa mahjungan at makipaglaro ng apoy sa mga babae kaysa sa magsimba at magpasalamat sa lahat ng biyaya.

Pero sa mga pagkakataong dumating sa buhay ko at sa pamilya ko, nagising ako sa isang realidad na nakakagimbal at ayaw kong balikan, ni minsan sa buhay ko. Tila isang alarma, nagising hindi lamang ako kundi ang buong pamilya ko.

'Kuya, punta ka sa Ospital! Si Mama...inatake sa puso!'

‘Sige, dalhin nyo na sa ospital. May pera naman sa bangko, magagamit natin iyon.’

Atake sa puso? Ordinaryong sakit lang kaya yun?! Kaya iyan ni Mama, siya pa?! Ang tatag kaya niya kahit na suwail na anak ang mga kapatid ko. Ako naman kasi ay isang super good boy!

‘Anak, ano ba itong nababalitaan ko? Lagi ka daw nasa sugalan. Paano ang napagkakitaan mo niyan? Saan mapupunta ang perang pinaghirapan mo?’

‘Nay, alam ko ang ginagawa ko. Masama bang gawin ang mga bagay na gusto ko?’

‘Di naman sa ganun, Ronald, pero sana naman ilagay mo sa ayos ang perang nakukuha mo mula sa pagiging artista. Para rin sa iyo iyan.’

‘Nay, sorry ah, pero wala kayong pakialam sa mga ginagawa ko. Aalis na ako dito. Doon na lang ako sa condo.’

Ako ang sentro ng aking mundo. Importante ako, ako at ako. Kahit si Nanay na nagmamahal sa akin ay iniintindi ako.

‘Mommy, bakit ninyo hinahayaan si Kuya Ron na sundin ang luho niya?’

‘Hayaan ninyo nga siya. Darating rin ang araw at maiintindihan niya ang mga bagay-bagay.’

‘Pero mommy…?’

‘Sylvia, may Diyos. Kung di ko man mapanuto ang kuya mo, ang Diyos na ang bahala sa kanya.’

Pero ang mga naganap sa Ospital ay nagpabago sa lahat ng pananaw ko sa buhay. Doon umikot ng 180O ang buhay ko.

‘Mr. Mendoza, your mother is in the brink of death. She needs to undergo an immediate by-pass operation para matanggal ang bara sa mga veins sa kanyang puso. She needs it today or tomorrow. I shall be waiting for your response today. Sorry, Mr. Mendoza.’

‘How much does it cost?’

‘I can’t say, Mr. Mendoza. But one thing’s for sure, this surgery is too much costly.’

‘Naku, dok! Ok lang iyan. Marami kaming pera sa bangko.’

(tumawag sa Bangko saglit…….)

‘Hello, Junebank? … Yes, this is Mr. Mendoza. … I want to check if … WHAT? PAANONG WALA NA? … but I know I have saved much in my account … paanong casino? … what? Oh no, it cannot be! Can you please recheck? Ok, thanks.’

(babalik sa doctor)

‘Dok, it’s alright now. You may proceed with the operation.’

Akala ko, ordinaryo pa rin ang sitwasyon na iyon hanggang sa malaman ko na talagang wala nang laman ang account ko. Biglang huminto ang takbo ng aking mundo. Lahat ng planeta, bituin at araw, mistulang tumigin sa akin na animo’y guilty sa isang mabigat na kaso. Bumagsak ang lahat ng mga shooting star patungo sa akin, tila ba end of my world na.

‘Saan ako kukuha ng pera?’

Lumapit ako sa mga kasama kong manlalaro sa casino, subalit tinalikuran lang nila ako at nagpatuloy sa pagsusugal. Ganoon pala silang mga kaibigan. Kapag may nahuhuthot sila sa iyo, doon ka lang kinikilalang kaibigan, subalit kapag wala na, eh itsapwera ka na.

Lumapit ako sa mga kapwa ko artista. May mga tumulong, subalit kakarampot lang dahil daw may iba rin silang problema. Di na rin nila ako mapansin.

Nabaon ako sa samu’t-saring utang, mailabas lang si nanay sa ospital. Ang mala-mansyong bahay, halos hangin na lang ang laman dahil binenta ko ang lahat ng muwebes na naroon. Wala nga talagang natira sa akin kundi listahan ng mga utang na di ko mabayaran.

Dahan-dahan na akong nalaos. Di na raw ako patok sa masa. Napaka-arogante ko daw, mayabang at tunay na happy-go-lucky. Napatayan na ako ng ilaw, napagsaraduhan ng telon. Wala na ang dating panahon ng kasiyahan at kasikatan. Ang natira ay ako. Mag-isa. Wala na.

Hanggang sa makilala ko si John Mark, isang kapitbahay na di ko rin pinansin ni minsan dahil nga tanyag ako.

‘Bro, pagsubok lang ito lahat. Tignan mo ang puso mo. May sinasabi ba ito sa iyo sa gitna ng lahat ng nararanasan mo?’

'Ewan ko. Matuturo mo ba sa akin kung bakit?’

‘Sige, sa Biyernes, sama ka sa akin, may pupuntahan tayo.

Masasabi ko siya ang ginamit ng Diyos, na Diyos rin, sa pamamagitan ni John Mark, ang mismong nagdala sa akin sa pamimintuho sa Itim na Nazareno. Ang dating di ko pinupuntahan, ngayo’y tinungo ko sa paghahanap ko ng mga sagot sa tanong ng aking puso.

Sa unang sulyap ko sa Poon, di ko maintindihan ang nararamdaman ko sa aking katauhan. Mistulang natunaw na bato, lumuhod ako at gumapang mula sa pintuan ng simbahan hanggang sa may altar. May mga nakakilala sa akin, nagbulung-bulungan, nagtawanan na animo’y eksena sa pelikula. Pero di ko sila napansin, bagkus ay nagpatuloy ako sa paglalakad na gamit ang aking tuhod. Di ko na lang namamalayan, tumutulo na ang luha sa aking mga mata. Nakikipag-usap ako sa Poon, mistulang nawala ang lahat ng kaitiman ng aking nakaraan.

‘Panginoon, bakit? Bakit po ganito ang nangyari sa buhay ko? Bakit po?’

Sa pagdating ko sa altar, para bang box office hit, pumapakpak ang lahat ng naroon sa simbahan sa kanilang nakita. Di sila pumalakpak sa aking ginawa na parang teledrama sa galing, ngunit pumalakpak sila dahil sa ginawa ng Diyos sa araw na iyon, na nasaksihan nila. Isang artista na matigas ang puso ngayo’y lumalapit sa gitna ng mabibigat na pagsubok na pinapasan at nagpapasuko sa Panginoon na maalam sa lahat ng bagay.

‘Anak, tayo ka na diyan. Tara sa loob, usap tayo.’

Doon ko rin nakilala si Fr. Teroy, na siyang muling nagmulat sa akin sa mga aral ng Diyos at turo ng Simbahan. Sa kanyang paggabay at sa pagsigasig ni John Mark na akayin ako sa mga gawain niya sa Parokyang iyon, tila ba nagkaroon ng pagpapanibago sa aking katauhan. Talagang masasabi kong good boy na ako!

Sa pagdedebosyon ko, unti-unting bumalik ang mga bagay na dating nawala sa akin. Supporting roles, tinatanggap ko na! Lahat ng utang ko ay dahan-dahan ko nang nababayaran, kaunti na lang at Malaya na ako mula sa mga problemang pinansiyal! Si Nanay, naka-survive na rin sa kanyang pinagdaanang operasyon. At bukod pa riyan, nakilala ko si Hazel, ang pinili kong maging katipan. Ikakasal na po kami next month sa Simbahan natin sa Quiapo.

Bilang pagtanaw ng utang na loob sa Poon, ngayon po ay aktibo na ako sa gawaing liturhikal sa ating parokya bilang Lektor. Tatlong taon na po ang nakalipas mula nang makilala ko si Jesus Nazareno, at nagpapasalamat po ako na hanggang ngayon ay di pa rin niya ako pinababayaan sa lahat ng aking pangangailangan.

Sabi ng mga matatandang deboto, kaya daw umitim ang Poon ay dahil sa kanyang pag-absorb sa mga kasalanan ng mga taong sumasamba sa kanya. Baka nga siguro kinuha na niya ang lahat ng pagkakamali ng aking nakaraan. Kinuha nga niya malamang ito at pinasan sa kanyang balikat upang ituro sa akin ang bagay na hindi ko malilimutan kailanman. Mahal ako ng Diyos at kaya niyang gawin ang anuman para sa akin. Basta mananatili lang akong umaasa sa kanyang biyaya at tapat sa aking pangako sa kanya na magiging isang mabuting Kristiyano. Ito rin ang hamon sa bawat isa sa atin. Huwag lang po tayong manatili sa punas-poon at pahalik lang. Mas mahalaga ang nilalaman ng puso, mas importante ang ating intensyon na mabuhay na tapat at mabuting Kristiyano.

Salamat po! Viva Nazareno!”

Binitawan ko ang Microphone at tumungo sa likod. Lumapit ako sa paa ng Poong Nazareno at may luha sa mata ay aking nabulalas,

“Salamat po!”

Saturday, January 07, 2012

THE SUNSET (re-posted)

Tanza Skyline during sunset, December 31, 2011
(Dec. 31, 2010)

I stand beyond the verges of time,
Time coming in and going out.
Another year's passing, it is running till the end;
And a new one is coming, it is fast approaching.

And here I am, after the tedious work
Just looking at the sunset, nothing less and nothing more.
My heart is full of emotions, but yet
I have nothing more to do but to watch the sun set.

Maybe I'm feeling through with everything I'd experienced,
With everything that the past year made me relish.
Perhaps, this is my way of ending my year
A year full of colors and everything else.

My Jesus! You are truly great.
You made me end a year in your grace.
I entrust the past year to you.
With it, I give up everything I've undergone.

The joys I'd savored till the last drop.
The sorrows that made me shed a tear or two.
The trials that made me almost give up,
Which proved to me that there is a loving God like you. 

The first-time experiences which made me a new person;
The people I met and became a part of me.
My frail being, wounded and battered,
All these, I entrust to your Divine Will.
All these, I leave to you, like the sunset.

My Jesus, I pray
May the New Year be kind to me.
May I cherish all the experiences
That this year has in store for me.

I pray as well to you
Continue to guide me throughout the coming days.
May I work and act for your greater glory,
Through that may I prove to the world that this is my year.

Yes, this is my year.
I am leaving everything with the sunset.
Knowing that as the sun rises to a brand new year,
I can prove to the world something which is from my heart...

This is the year of many doors,
This is the year of many opportunities.
I open one door and leave the world of insecurity
I enter through another portal of myself and become happy.

Wednesday, January 04, 2012


This is my comeback essay at the KBKP page last November 26. As of now, I am still losing my writing spirit which affects much of my system. Nevertheless, I would like to share this simple work with you, guys. Hope you enjoy it! ^^

Kuwento nga ba itong isusulat ko?

Ang bawat isa sa atin ay may kuwentong isinusulat sa libro ng buhay. Mga tagpong puno ng aksyon, drama, komedi, at kung anu-ano pang mga emosyon, pero humahantong pa rin sa isang trahikong pagtatapos: ang kamatayan. Kuwento na simple man ay pinapalamutian ng mga di-matumbasang hiyas: mga salita at mga tinging nakakamatay, mga astang pamatay, at mga kilos na minsa'y nakakapatay. Hiyas nga ito sa isang magandang alaala ng nakaraan, salamin ng ating pag-iral sa kasalukuyan at gabay tungo sa hinaharap.

Kung wala kang kwentong nagawa sa iyong buhay, isa kang taong walang kuwenta. mas mabuti nga para sa iyong mamatay. Tiyak na kapag namatay ka, may sarili ka nang kuwento; di lang iyan, naging bahagi ka pa ng kuwento ng iba, lalo na kung pinagkaperahan nila ang iyong bangkay. Nakakahiya, nakakapanhinayang. Kung sana ay naging makabuluhan lamang ang iyong buhay sa aklat ng mundong mapaglaro.

Para saan ito?

Walang taong hindi nakakagawa ng sarili niyang kuwento. Silip ka lang sa kabilang bahay: mag-asawang naglalaro sa init ng araw. Silip ka sa kalsada: mga chikiting na walang muwang subalit nagsusunog ng kable para makuha ang tanso at maibenta sa piso kada kilo. Tingin ka pa doon: mga kabataan na walang magawa kundi idaan ang kahirapan at kawalan ng sigasig sa buhay sa mga rap battle, paglalaro ng bilyar at pagyoyosi ng MJ.

Tinatamad kang tumingin sa labas? Palibhasa naka-FB ka naman, silip ka sa wall ng friend mong isa: status na daig pa ang Ampalaya sa pagiging bitter. Makipag-chat ka: paghahanap niya ng kausap at payo sa gitna ng bawal niyang pagbubuntis. Sa wall mo: comment ng isang batang gulat sa pag-post mo sa salitang Pagja***** at pagbatikos rito.

Lahat tayo, may sari-sariling kuwento, bunga ng sari-sarili nating dahilan ng pag-iral sa mundong ito: pagiging inspirasyon, pagiging fighter sa harap ng pagsubok, pagiging malibog at paghahanap ng chicks at boys, at iba pang mga dahilan na sa totoo lang ay walang koneksyon sa tunay na dahilan ng iyong buhay sa mundo...

...Iyan ay ang maging masaya. 

Masaya nga ba ako sa kuwento ko?

Marami na akong nakausap sa araw-araw kong paglalakad at pagtakbo sa landas ng buhay. Bakas sa mukha nila ang labis na pag-aalala, kalungkutan at pagbabakasakali. Ang ilan, nasa gitna pa ng takbuhan samantalang ang iba'y malapit-lapit na sa finish line. Nag-aral sila, nagbanat ng buto, naging kung anu-ano, subalit sa huli ay talunan pa rin sila at nakita nila ang malaking kakulangan sa kanilang buhay.

Marami silang sinisisi: ang asawang two-timer, ang magulang na sugarol at lasinggero, mga kapatid na sobrang dami, kaibigang taksil, perang mailap sa kanilang bulsa, Diyos at pamahalaan na nakalimot sa kanilang karaingan at iba pa. Ngunit hindi nila natatalos na ang tunay na dahilan ng kalungkutan ay mismong sila rin naman. Hinayaan nilang umabot sa masaklap na pagbagsak ang kanilang masasayang pangarap. Sinisisi nila ang iba; ngunit bakit di nila makita ang realidad: sila at sila rin naman ang may dahilan ng kanilang kalungkutan! Sila! Sila!

Ano'ng mapapala ko?

Ewan ko. Pwede tayong makinig sa kanila, pwede natin silang gawing halimbawa. Ngunit tandaan natin na sa huli, tayo at tayo pa rin ang bida at writer ng ating sari-sariling mga kuwento. Lahat ng dialogue, tayo ang nag-isip at nagsabi. Lahat ng kilos ng bida, tayo ang nag-devise at nag-execute. May iba bang sisisihin? Wala, kasi tayo nga ang may pakana ng lahat ng ating isinusulat sa aklat ng buhay.

Maikli lang ito sa totoo lang dahil sa ganang akin ay nagpapatuloy pa rin naman ako sa paggawa ng sarili kong kuwento. Sa huli, alam kong may mapapala rin ako. Mapapala, dahil ako rin naman ang makakatanggap ng matamis na bunga o mapait na lason sa bawat linyang aking isinusulat.


Monday, January 02, 2012


2012 for me is the Year of Opportunities. As I bid farewell to college life and say hello to the professional world this year, I believe that God is opening doors and opportunities for me to see myself as. Wherever fate takes me, I would go as long as God is by my side.