Monday, January 29, 2007

In Defensum...

Ok...

after a period of silence, the striker speaks to the last drop.

Three things, guys. THREE THINGS to know, to seek, and to understand.

First.

May mga balitang hindi ko matiis na hindi magsalita. Bakit? Kasi kung hindi ako magsasalita, ay baka isipin na manhid ako. Ngayon, May mga narinig ako, at nakita, na mga bagay na nakasakit sa mga kaibigan ko nang todo-todo. Akala mo daw kung sinong mag-astang parang Pari daw, frustrated daw sa bokasyon. Alam mo? Hindi ko ugali ang sumurot sa usapan, pero tignan mo ang sitwasyon mo. Look! Hindi na ikaw, kami na! Tignan mo ang mga pinaggagagawa mo. Tama ba namang magkaroon ng sexy pic na may alam sa CCC? Magisip-isip ka. Magisip-isip ka!!!

Second.

Humihingi ako ng taos-pusong kapatawaran sa mga taong nasaktan ko sa nakalipas na buwan. Alam ko na hindi na ako fit para magkasala at magkamali nang ganoong katindi, at alam ko rin na masyado naman kaming (take note: KAMI!!!) naging pabaya sa mga responsibilidad namin. Pero sana, ay huwag ninyo namang ibunton iyun sa isang tao lang, na parang siya ang may kasalanan kung bakit nangyari ang lahat ng iyun. Ladies and Gents, This is not a sin of one. We are Many. And look what you are doing. It is as if you are puting the blame into one person! What a nonsense blame! Again, sorry.

Third.

I want to give my heartfelt thanks to my fellow Altar Servers, kasi after Three great years, I'm still standing. Malay ko kung anong kinabukasan ng 2007 for me as an Altar Server, pero wish ko na lang na hindi siya magiging masama para sa bawat isa.

Wait. dahil post ko naman ito, at wala namang pakialam ang iba kung gawin ko ito, gagawin ko ito.

Fourth.

Ma, Dad, mga kapatid ko... Sorry kasi naging mas pasaway ako kaysa sa inaasahan natin(Meaning... ako man, hindi ko rin inaasahan iyun.). Promise ko sa inyo(kahit nagsasawa na kayo sa mga pramis nails ko.)... na magiging mas responsible child ako para sa inyo. Sana, ay magkatulungan tayo. Ilang libong beses ko nang sinabi sa mga blog ko na hindi ko kaya kung wala kayo. Sana nga, eh mangyari ang lahat ng iyun.

Ok.

The end of the last drop.

If ever (if ever lang, ha?) you have any commentos or everything... do not be more than afraid to post it. I will entertain enerything.

01-29-07

:)

No comments:

Post a Comment