Meron akong mga kwento, hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlo. Ito ang mga kwento na naganap during my first week as 16 years old. At sa tingin ko, magiging masaya, kahit na malungkot ang isa dun, kung ikukwento ko ito. NAMAN!!!
-_-
Last wednesday, August 23, 2006, exactly 9:17 am, nanganak yung wife ng kuya ko, and it was a bouncing baby boi, until we found out na ngiwi siya, o pilas ang nguso niya (well, sabi lang yun ng kuya ko, hindi pa confirmed. sana, hindi naman!!!). Gising pa ako nung gabing dalhin siya sa ospital. kasi naman, pinasan niya yung panganay nila na sobrang mabigat. Ayun, sumabog na yung panubigan niya. kaya, dinala na siya sa may malapit na Maternity Clinic sa amin. ngayon, nang dumating sa M.C., bigla siyang bumahing. pagkabahing niya, nagsidaluyan na yung dugo mula sa privates niya. dahil dun, ni-reject siya ng Clinic, at diniretso siya sa ospital (Fabella, to be exact.) and then, dun na siya ipinanganak. Kasingtaba siya ng panganay nila nung iluwal. Well, hindi ko naman siya masisisi, kasi, dapat ang overdue niya ay nung August 20 pa, a day after my birthday. Well, at least, nakaraos na siya. ngayon, ang challenge sa kuya ko, kung paano niya maipapalaki yung tatlong boys niya. at for sure, tutulungan siya ni God.
-_-
A dad that is oh so (sorry for the word) stupid. dun umiikot ang second story ko. well, it was my birthday, mga 5:30 ng umaga. I was on my way to the church, nang biglang ang taas ng tubig. kaya naman, pinagising sa akin ng Mommy ko si daddy ko. ngayon, nang ginising ko, ehparang ang ganda ng bulalas niya sa akin... mura. ang nasabi ko na lang, wag mo na akong batiin. pero nang lumabas ako ng bahay, pinagsarhan ako ng gate. ang sabi ko, parang nakakapanloko itong lalakeng ito, ah!!! pero bigla ko ring naisip na tatay ko siya. kaya, tumawag na lang ako sa mommy ko, at pinagbuksan naman ako ng pinto. Alam ninyo, naisip ko, ang diyablo, laging andiyan sa tabi-tabi, para sirain ang araw mo. pero for me, natalo siya, kasi hindi niya nasirang totally ang araw ko. Still, masaya pa rin ako!!! Ngayon, hindi pa rin kami nagkakausap, pero there is still the hope na sana, eh magkasundo na kami.
-_-
Social Concerns. and all that stuff. Yun ang third Story ko, all about the Diocesan Congress, na ginanap the whole day, of my birthday. Bigatin ang mga speakers ng Congress namin na yun, sina Tita De Villa at Bishop Ted Bacani lang naman. All about Social Concerns ang pinag-usapan namin the whole day. Lalo na, about the Government of today. alam ninyo, if we will all just pray for a change in the hearts of all those na nasa gov. eh di siguro, hindi tayo nagkakaganito. idagdag mo pa dun ang ating Ecological status, at many more. well, para po sa kaalaman nating lahat, 2006 is declared as the Year of Social Concerns by the CBCP.
-_-
Kasama nito, ay binabati ko na rin ang mga kakosa kong may birthday this month, especially my two nephews, Ingat kayo lagi!!!
O, dyan na nagtatapos ang aking tatlong kwento, dun umiikot ang 1st week ng life ko as 16. With that, I end this blog.
August 24, 2006
No comments:
Post a Comment