Friday, September 25, 2009

Tahimik... napakatahimik (reflection on silence)

(GNote: I created this reflection when I was alone in my room. I think it was already Two o'clock in the morning when I created this. It was just a result of the silent environment brought about by the time.
I
t was so, because I am suffering insomnia as of the moment. I cannot sleep during the nighttime, I could lie to sleep already in the early hours of the next day... madaling-araw kung baga. It was a little bit irritating, and I miss sleeping early. Perhaps, I would have it again after the leave.
I hope you would have something out of this.
)

Tahimik na tahanan, tahimik na paligid, tahimik na bayan, tahimik na mundo.

ahh, tahimik. sinong hindi nagnanais na magkaroon ng katahimikan ang buhay? sino ang nagnanais ng gulo? ng ingay? ng distorbo?

walang makakapantay sa isang buhay na tahimik: payapa, matiwasay, mainam at maayos. lahat ay nasa wasto. walang gulo, walang giyera, walang away. lahat masaya, lahat enjoy.

pero sandali... kung nais natin ang buhay na tahimik, dapat lamang na ating tanggapin ang kanyang mga kasama't kaagapay. oo, nakakaramdam tayo ng tiwasay na pakiramdam pag tahimik ang lahat, ngunit hindi hindi siya ganap kung wala ang kanyang mga kasama.

ito ay ang pagkabingi, pag-iisa at pangungulila. kasama rin ang kawalan, kakulangan at kadiliman. lahat sila, pantay-pantay. lahat sila, balanse. hindi sasama ang lahat kung wala ang isa.

sabi nga nila, nakakabingi ang katahimikan. ang sabi ko naman, hindi lang siya nakakabingi.

nagdudulot rin siya ng pag-iisa at pangungulila, sapagkat sa katahimikan, parang pakiramdam mo ay wala kang masasandalan. Ikaw lang at ang mundong iyong ginagalawan. Napakahina mong maituturing.

Nararamdaman mo rin sa kanya ang kawalan, kakulangan at kadiliman. sa isang tahimik na paligid, feeling loner ka, parang namatayan ng nanay, tatay, o matalik na kaibigan. Hindi mo alam kung saan ka pupunta. Lahat ay madilim, lahat ay magulo.

ganito ang aking pasya ukol rito sapagkat kailangan nating tanggapin na ang kakulangan ay hindi lamang nakakapagdulot ng ayos, kundi ng kakulangan sa pagkatao. Walang balanse, hindi ganap.

Pero hindi ko sinasabing walang maidudulot na maganda ang katahimikan. Tulad ng isinaad ko sa itaas, makakaramdam ka rito ng kapayapaan, katiwasayan, kaayusan, at kaganapan.

Ang gulo, hindi ba?

May mga kaibigan akong nakikita sa katahimikan ang tiwasay na pag-iisip. nas nakakapag-aral sila, mas nagagawa nila ang dapat nilang gawin pag tahimik ang paligid. Mas nakakapagdasal sila ng maayos sa katahimikan.Para sa kanila, Silence is a time for thinking on things. Oo nga naman. Kasi payapa ang paligid, walang distraction, walang gugulo sa kanila. Totoo nga naman. Silence means concentration for them. at parang hindi sila makakapaggawa ng maayos sa ingay ng mundo.

Pero may mga taong nais ang katahimikan dahil nais nilang sila ang maging hari't reyna ng sandaling iyon. Doon sa mga puntong tahimik ang paligid, iniisip nila ang mga pagmamayabang na nagawa nila sa kapwa, mga pagmamaltrato sa iba, at lahat ng kasaamaan. mali ito. Dito pumapasok ang masamang epekto ng katahimikan. For these guys, Silence means emptiness. At mas nanaisin nila ang ingay ng mundo kaysa sa tahimik na paligid.

Mga kapatid, mali ang parehong punto. Paano ko nasabi?

Hindi naman talaga natin masasabi ang kaganapan ng lahat ng bagay sa katahimikan. Oo, sa katahimikan mo nagagawa ang mga bagay na nais mong gawin, at sa katahimikan mo naiisip ang kawalan dahil sa kasamaang kanilang nagawa. Subalit sa mga taong ito, na naghahangad ng katahimikan, nakakalimutan na nila ang katotohanang nilikha ng Diyos ang Ingay at Katahimikan sa balanseng paraan, tulad ng liwanag at dilim, lupa at dagat, langit at ang lupa, at ang tao at ang kanyang katauhan.

They often look for silence when they are in the middle of the big noise, without realizing that there is silence before and after the big noise.

Bakit ganito ang karamihan sa atin?

Mas nararapat siguro sa atin ang pagkakaroon ng balanse. Maraming nagagawa ang ingay, at maraming nagagawa ang katahimikan, mabuti man o masama. kahit na anong iwas natin sa ingay, at naisin ang katahimikan, hindi pa rin mawawala sa balanse ng mga bagay ang ingay. Marami man ang pagkakataon nating mag-reflect sa katahimikan, still, we must reflect in the midst of the mob.

Masaya ang tahimik, ngunit kailangan ang sapat na katahimikan para iangkop sa sapat na ingay na ating matatanggap.

Panghuli...

God works in silence, God speaks in silence. True. pero we must not deny the fact that God also works in the midst of the noise of today's world. He speaks through the shouting and jeering.

God works in silence and in noise. He is everywhere, everytime.

Sleep tight!

09-21-09

JoEzeMa,ccs :)

No comments:

Post a Comment