August 08, 2010
19th Sunday in Ordinary Time
Lk 12, 32-48 (12, 35-40)
MORE THAN A TYPHOON...
ISA na sa mga karaniwang bahagi ng buhay ng pinoy ang bagyo. Hindi lalagpas sa 30 bagyo ang dumaraan sa Pilipinas sa loob ng isang taon. May dadaan lang sa dagat na parang wala lang, subalit may ibang dumadaong pa sa lupa upang maghasik ng kapahamakan sa bayan. Ito ang ating kinatatakutan.
Kapag may bagyo, alam nating matinding pagsalanta ang ibig sabihin nito. Lahat tayo ay naghahanda. Alam nating hindi tayo dapat nakatunganga lang sa isang tabi. May mga namimili na ng pagkain, nag-iimbak kung baga. May ilan na nag-aayos na ng mga butas ng bubong, at ng mga harang sa mga pintuan ng bahay. Itinataas natin ang lahat ng gamit na nasa mababang bahagi ng bahay. Pero kahit na ganitong katindi na ang ating paghahanda, hindi pa rin natin alam kung gaanong kalakas ang magiging dating ng bagyong paparating. Kaya tayo ay nagdarasal para hindi sana ganoong katindi ang epekto ng delubyo sa ating bayan.
Pero ganoon man, may mga pagkakataon pa ring hindi tayo nakakapaghanda talaga. Halimbawa na diyan ay ang Bagyong Ondoy noong isang taon. Akala ng lahat, ay hindi ganoong katindi ang epekto ng bagyo, subalit napuna na lang natin, lumulusong na tayo sa lagpas-dibdib na baha. Nakita na lang natin, ang bahay natin ay nakababad na rin sa tubig, kasama ang lahat ng ating mga naipundar sa nakalipas na panahon. Maraming namatay, maraming nawalan ng bahay. Hindi talaga tayo nakapaghanda ng ganoong kainam.
Ganoon rin ang nangyari kamakailan lang sa pagdating ng Bagyong Basyang. Akala natin ay sa Norte lang tatama ang bagyo. Gabi na nang nalaman nating Signal Number 02 ang Metro Manila. Mas matindi pa doon, mas matindi pa sa Signal Number 02 ang ating naranasan sa magdamag. Parang binalikan tayo ni Ondoy. Hindi na naman tayo nakapaghanda, kaya marami na namang nasalanta.
Buti nga, bagyo lang yun. Paano pa kaya kapag ang Panginoon na mismo ang dumating? Handa rin ba tayo?
Sa Ebanghelyo ngayong Linggo, maririnig natin si Kristo na nagsasalita. You must be prepared, because you do not know the exact hour, in which the Son of Man is coming. Maghanda tayo, higit sa lahat, sa pagdating ni Kristo. Baka mamaya, o bukas, o pagkatapos mong basahin ang USD na ito, ay dumating na siya. Sabi nga, He is coming like a thief in the night.
Yes, he’s coming. And we must be prepared more than we prepare for typhoons. Because His coming is more frightening than the coming of Typhoons, yet more powerful than any other leader of this world. Pagdating niya, huhukumin niya sa Hustisya ang lahat ng tao. He will call the worthy to the Kingdom of Heaven, while the unfaithful will be led to the flames.
We know that he is always here in our midst, when we pray, when we do good, yet we must also know that he would also see him in the flesh on that day. The question is this: How do we prepare?
Jesus gives the answer: Sell your Belongings, and give it to the poor. Gird your loins, and light your lamps. Be like servants watchful and waiting for the coming of their master at anytime of the day.
We must sell everything we have. Handa dapat tayong ibigay ang anumang meron tayo sa oras ng pangangailangan. Our hearts are made for loving God and neighbor, not loving ourselves and our possessions. God gave all these things for our growth, we must be ready to give this to everyone in need. Huwag tayong matakot na ipagbili ang lahat ng ating ari-arian, manalig lang tayong ibabalik ito ng Diyos sa atin, siksik, liglig at umaapaw. Remember His words, kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso.
We must be vigilant and watchful. Hindi dapat niya tayo makitang walang ginagawa. We must be praying and doing good EVERYTIME. We must be following His will EVERYTIME. Though it is painful in our hearts, we must continue doing good, and do it untiringly. Nothing must be expected in return. Do His will AT ALL TIMES. He has this promise: Blessed are the servants that he sees waiting for his coming. He will have them share on his table.
Kung gaano katindi tayo naghahanda sa pagdating ng bagyo o ng anumang sakuna, ganoon rin sanang katindi , o mas higit pa nga sana, ang ating paghahanda sa Kanyang pagdating sa araw at oras na hindi natin inaasahan. Sa dulo ng lahat, ano pa kaya ang mas matindi: ang bagyo, o ang Diyos?
No comments:
Post a Comment