Originally, this forms a part of my rendition of Ur Dose this Sunday. I just want to express my sentiments which I would like, in all honestly, to tell since Friday. I kept my silence until last night when I wrote for UD. Just enjoy reading.
BATO-BATO SA LANGIT... WALA SANANG MATAMAAN, MABIGAT KASI.
===+===
May nagsabi sa akin, Bitoy, ingat ka, baka matawag kang hipokrito dahil sermon ka ng sermon pero di mo naman inilalagay sa katotohanan ang mga sinasabi mo.
Wala po akong maipagmamayabang na credentials. Isa lamang po akong ordinaryong Laikong-lingkod na nagninilay sa Salita ng Panginoon at ibinabahagi ito sa iba.
Nagkakasala rin po ako! Hindi ako perpekto, iyan ang linya nila. Ito naman ang linya ko, Makasalanan rin po ako. Nahihirapan ako sa pagtanggap sa kahinaan ko, ngunit dahan-dahan ay pilit akong tumatayo. Hindi ko man po palaging naipapahayag ang aking naisusulat, hindi po nangangahulugan na ako ay hanggang salita lamang.
Mahal ko po ang aking ginagawa. Kilala ko po ang aking pagkatao. Mas maganda ang kinalalabasan ng anumang gawin ko kung ito'y aking pinagpapaguran ng bukal sa kalooban. Masaya po ako at alam kong ang Panginoon ang siyang nag-uudyok sa akin na gawin ang mga bagay na ito.
Minsan nga natatanong ko sa sarili ko kung bakit sa kabila ng paglilingkod ko sa buong Simbahan sa pamamagitan ng blogsite na ito, ay patuloy pa rin ako sa mga kamalian ng kahapon. Isa po ito sa mga bagay na hangad ko ring mabago sa aking katauhan sa parating na panahon. Hindi po palaging ganito ang katauhan ko; tatanda rin ako at mas mapapasabak sa magulong mundo bilang tunay na Kristiyano.
Tinatawag ako ng Panginoon sa ganitong landas. Kahit na kaliwa't-kanan ang mga puna, ang mahalaga ay naibibigay ko po ang isang taos-pusong serbisyo sa sambayanang Kristiyano, lalo na po sa inyong patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa lahat ng hangarin ko sa buhay.
Sa sandaling ito, Ako po ay naghahandog ng isang taos-pusong PAUMANHIN sa lahat ng mga nasasaktan ko at kinamumuhian ako mula pa noong unang sandaling dumating ako sa buhay nila. Sa inyo na patuloy kong nasasaktan, alam ko man o hindi, sa salita man o gawa, ako po ay naghahandog sa inyo ng patawad na nagmumula sa kaibuturan ng aking puso. Sana po ay maunawaan ninyo ang aking kalagayan sa buhay.
Pare-pareho lang po tayo sa paningin ng Diyos. Pinapatawad niya tayo lagi-lagi at oras-oras. Sana po ay patawarin at unawain rin po ninyo ang aking mahinang katauhan.
No comments:
Post a Comment