January 10, 2013
Samantalang nasa LRT ako papuntang trabaho kahapon, nasagi ng aking camera ang isang lalaki na naka-maroon na shirt, maong na pantalon at rubber shoes. Nakasalampak siya sa sahig, mistulang naging panandaliang kuwarto ang bahaging iyon ng tren. Makikita sa kanyang itsura na pagod na pagod siya buhat sa kanyang pinanggalingan. Sinamantala na niya ang panahon upang makatulog, makaidlip at maipahinga ang patang katawan.
Hindi lang naman siya nag-iisa, dahil sa aking paglingon ay nakakita pa ako ng mas marami pang naka-maroon, pagod rin subalit halatang naging masaya sila sa kanilang pinagmulan. Para sa akin, iisa lamang ang nasa kanilang isip, nakatapos na naman sila ng isang taon ng pagdebosyon sa imaheng malapit na malapit sa puso ng Pilipino: ang NAZARENO.
Kung babalikan ninyo ang status ko sa Facebook noong nakaraang mga araw, sinabi kong hindi ako deboto ng Poon, at totoo naman ito sa maraming mga dahilan. Hindi ko trip ang kanilang paggigitgitan tuwing prusisyon. Ayoko na may nagbubuwis ng buhay samantalang ginaganap ang Translacion. Hindi ko rin gusto yung gawi ng iba na matapos ang prusisyon o panata ay balik sa pagka-"asal-hayop" na parang walang nangyari.
Para sa akin, hindi lamang kasi sa imahe nagtatapos ang pamimintuho kay Kristo; ito ay nagpapatuloy sa araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa. Ito ay lumalalim sa pagdiriwang ng Eukaristiya at pagdulog sa Kumpisal. Ang kababawan ng debosyon ay dapat na magbunsod sa atin na palalimin pa ang ating pananampalataya ayon sa turo ng Salita ng Diyos at ng Simbahan.
Subalit sa aking pagmasid sa mga nangyayari, natanong ko rin ang aking sarili, bakit nga ba hindi matapos-tapos at mapatid-patid ang pagmamahal ng Pilipino sa Nazareno? Sabi nila, nakaugnay ang buhay ng Pinoy sa Nazareno, sapagkat nasasalamin sa imaheng ito ang hirap ng bawat isang dumudulog sa kanya. Nakikita rito ang hinagpis ng ating mga giliw sa araw-araw na pagharap sa buhay.
Kung ang La Naval ay tinaguriang Pista ng mga Alta Sociedad, ang tawag sa Pista ng Nazareno ay Pista ng Masa dahil lahat ay tanggap at welcome dito. Wala lang sa karaniwang deboto ang hirap at pagod upang maganap ang kanilang panata o debosyon sa Poong Naghirap para sa atin.

Sabi nga ng isang kaibigan ko, 'Sa grupo ng mga mamamasan, walang siraan, lahat nagtutulungan, lahat nagbibigayan.' Kung sa bagay, hindi naman silang lahat ay mga walang-hiya o basagulero, karamihan ay buhat talaga sa iba't-ibang lugar, dala-dala ang mga problema sa buhay at nagbabakasakaling mapakinggan ng Poong Nazareno. Damayan ang nararamdaman nila dahil alam nilang may Diyos na makikinig sa kanila. Pagtutulungan na maiangat ang pagmamahal sa Diyos higit sa lahat.
Subalit, sa kabilang banda, nariyan rin ang mga mapagsamantala na ginagamit ang pagkakataon, hindi upang ibahagi ang pagmamahal ng Diyos sa iba, kundi upang maghasik ng lagim sa kasalanang kanilang ginagawa. Yung iba na nagmamarunong na magaling daw sa pag-salya subalit mamali-mali rin ang ginagawa at nakakasakit ng iba. At nariyan rin ang ibang ginagawang status symbol ang pagiging mamamasan upang sabihing nasa Simbahan sila, kahit na sa totoo ay panay kalokohan pa rin ang nasa isipan nila.
Dito papasok ang aking tanong: Hanggang panlabas nga lang ba tayo sa pamimintuho sa Poon? Kung ganito, ay walang pinagkaiba ang gawi natin sa mga paganong sinasanto ang rebulto at hindi naman talaga isinasabuhay ang ginagawang pagdebosyon, basta ang mahalaga ay nagawa nila ang gusto nilang gawin at iyun na.
Subalit para sa taong nagdedebosyon at talagang nagpapalalim pa ng pananampalataya niya, yung sumasama sa mga ganitong okasyon at hindi humihinto rito kundi palaging dumudulog sa Diyos sa Banal na Misa at iba
pang gawaing ispirituwal, tulad nga ng sinabi ni Hesus, 'Nalalapit nang maghari sa iyo ang Kaharian ng Diyos.' Ang imahen ng Poong Nazareno ay dapat na magdala sa atin sa lalong pagpapakilala ng Pananampalataya na siya mismo ang nagpakilala sa atin. Sa kanyang paghihirap ay ating nakamit ang kaligtasan, na ating ipinagbubunyi bilang isang Simbahan.
Samantalang nakatingin ako sa kanya habang umuusad ang LRT papuntang Cubao, nabakas ko sa pagod ng matandang lalaking iyon na masaya siya na naganap niya ang dapat niyang gawin. At alam kong ito ang nagbigay sa kanya ng higit na pagkilala bilang isang Kristiyano. Hindi pa dito magtatapos, dalangin ko, ang mga pagpapalang ibibigay sa kanya ng Poong Nazareno.

No comments:
Post a Comment