Friday, April 05, 2013

Mahalin mo ako...

Sana nangyayari ito sa tunay na buhay.

Kaso madalang lang ang nangyayaring ganito ang pagmamahal.

Magmamahal ka, dapat tanggap mo siya at ang anumang meron siya.


Di nga ba't tama naman iyun?

Thursday, April 04, 2013

Makiki-uso ka?

Minsan, ang pakiki-uso ay di-ankop para sa iyo. 

Isipin mo. Magpapapula ka ng buhok kahit na itim ang kulay ng balat mo. O di kaya, magsusuot ka ng
revealing kahit na wala kang dibdib. Pwede rin namang magsuot ng Jersey Jacket kahit na tirik na tirik ang sikat ng araw. Akala kasi natin, basta kung ano'ng uso, pag sinuot o ginamit mo ay babagay na rin sa iyo.

Eh paano kung nauso ang patayan at nakawan, makiki-patay at makiki-nakaw ka rin? Kung nauso ang may ebak sa buhok, o yung nagsasayaw sa bubog, makiki-sangkot na rin?

Ang mga bagay-bagay, nilalagay sa lugar. Ang pagkakataon ang magtatakda kung babagay sa iyo ang damit o gamit o hindi.

Kapag umayon, e di maganda.

Kapag hindi, makuntento ka sa kung ano'ng nakasanayan mo at wag nang maghanap ng iba.


Wednesday, April 03, 2013

Realidad mo?

Ngayon lang ulit ako magsusulat sa sarili kong wika sa blog na labas sa mga pagninilay.

Oo nga naman. May realidad ang bawat isa. 

Kahit na pagbaliktarin natin ang takbo ng mundo, haharapin at haharapin natin ang talagang nakatakda para sa atin. Magsuot ka man ng libu-libong alahas, magdamit na ala-Hari o Reyna, magpakilala man na Presidente ng Amerika o Bagong Santo Papa (ahmm, antipope), babalik at babalik ka pa rin sa pinagmulan mo.

Hindi ka makakatakbo.

Kahit na may araw pa.

Kasi lulubog at lulubog iyan.

Didilim at paparam ang liwanag sa buhay mo.

Pag dumating iyon, naharap mo nga ba ang realidad mo?


Monday, April 01, 2013

EXTRAORDINARY HOLY WEEK


I started feeling sick last Palm Sunday. From Holy Monday to Holy Wednesday, my body was aching inside out while working.

But when Holy Thursday came in, my condition changed; I felt energized to proceed with the Liturgies at Holy Family and with the Siete Palabras at Santo Domingo. It was like I wasn't sick at all. I likewise learned lots of things regarding the Liturgy and a big TV Production.

It was a Holy Week of lots of challenges, not only for me but for everyone else, yet God made it so EXTRAORDINARY! (You may know what I mean.)

DEO GRATIAS! CHRISTUS RESURREXIT! ALLELUIA!!!