Minsan, ang pakiki-uso ay di-ankop para sa iyo.
Isipin mo. Magpapapula ka ng buhok kahit na itim ang kulay ng balat mo. O di kaya, magsusuot ka ng
revealing kahit na wala kang dibdib. Pwede rin namang magsuot ng Jersey Jacket kahit na tirik na tirik ang sikat ng araw. Akala kasi natin, basta kung ano'ng uso, pag sinuot o ginamit mo ay babagay na rin sa iyo.
Eh paano kung nauso ang patayan at nakawan, makiki-patay at makiki-nakaw ka rin? Kung nauso ang may ebak sa buhok, o yung nagsasayaw sa bubog, makiki-sangkot na rin?
Ang mga bagay-bagay, nilalagay sa lugar. Ang pagkakataon ang magtatakda kung babagay sa iyo ang damit o gamit o hindi.
Kapag umayon, e di maganda.
Kapag hindi, makuntento ka sa kung ano'ng nakasanayan mo at wag nang maghanap ng iba.
No comments:
Post a Comment