ISANG TAON ANG LUMIPAS, SA ATI’Y NAGDAAN
PAGSUBOK MA’Y DINANAS, BIYAYA’Y DI NAKALTAS!
LINDOL, GIYERA, BAGYONG MABAGSIK
HINDI TAYO NATINAG, PATULOY NA LUMABAN!
SINABI NATIN, HINDI NA NATIN KAYA, SUSUKO NA
PERO ANO NGA BA’T DITO NASUBOK ANG ATING TIWALA?
HINDI SUMUKO, PATULOY NA NAKIBAKA;
HINDI MAN ALAM ANG PATUTUNGUHAN, SUMUNOD SA LIWANAG.
SALAMAT SA DIYOS, NA HINDI NAGPAPABAYA,
PAMILYA’T KAIBIGANG NANATILI AT HINDI NANG-IWAN.
NANG DAHIL SA INYO, NA TUMULONG AT GUMABAY ,
NGAYO’Y NAGPAPATULOY, KARIMLAN MA’Y TINATAHAK!
MAY LUHA, IIWANAN ANG MGA ALAALA’T KARANASAN;
MAY NGITI, HAHARAP SA PAGSUBOK NA NAKALAAN.
KINABUKASA’Y SISILAY NA, SUMUKO’Y HUWAG GAWIN.
MARAMI PANG DARATING, MAGPAKATATAG MANDIN!
AKING KAIBIGAN, SA HIRAP AT DUSA,
TUWA AT TAGUMPAY, TAYO AY MAGKARAMAY!
HUWAG MAG-ATUBILI, PATULOY NA MAGTIWALA,
KASAMA ANG DIYOS, KAYA TULOY ANG BIYAYA!!!
No comments:
Post a Comment