(I'll write this in my own language...)
Maraming nangyari sa Traslacion ng Poong Nazareno kahapon. May namatay, may nagprotesta, may nawala at nakita, at may dumungaw. Lahat ito at iba pa, na naganap sa loob ng halos 19 na oras sa gitna ng animo'y dagat ng tao.
Totoo nga, di pa rin mapapantayan ang pananampalataya ng Pilipino sa Diyos. Mistulang fanatisismo ito para sa ibang nanonood, pero para sa mga taong talagang nakisalya, nagsimba at naghintay ng mahabang oras sa daraanan ng prusisyon, kulang pa ito para magpasalamat sa AWA at HABAG ng Poong Hesus Nazareno.
Buhay pa ang pananampalataya ni Juan. Patuloy natin itong isabuhay araw-araw, sa awa at biyaya ng Diyos!
Dungaw, January 10, 2015, 1:30 AM |
Iyung taong iyon (2013), di ko pa rin naiintindihan masyado kung bakit kailangan ganun ang debosyon. Maraming nagalit sa akin, at doon nagsimula ang aking pagninilay. Sinimulan kong buksan ang puso ko sa Poong Nazareno, at mula noon ay di-mabilang na biyaya na ang kanyang binigay sa akin, mula sa pagkapasa ko sa LET, hanggang sa paggaling ko sa sakit.
Maitatanong nyo, 'Di ba dati ang lakas ng loob niyang pintasan ang debosyon at deboto sa Nazareno?'
Oo, ganun ako noon, pero isa lang ang itinatak sa akin ng Poon, HUWAG KANG MAMIMINTAS HANGGA'T DI MO NARARANASAN ANG KAPANGYARIHAN NI HESUS NAZARENO. Marami pa ring mga munting pagkakamali, ngunit kung ito ang paraan ng pagpapahayag ng kanilang pagmamahal, sino ako para humusga? Sa bandang huli, ang Diyos pa rin ang nagkakaloob ng di-mabilang na biyaya sa lahat ng nagtitiwala sa kanya. Awa at Habag, at di-mabilang na biyaya!
No comments:
Post a Comment