Hindi lang ako ang nag-iisang nagsasabing kakaiba ang taong 2015 sa mga pagsubok at bagyo na dinala nito. Kung tutuusin, sobrang bigat ng naging impact ng mga pagsubok na iyon para sa akin. Yung tipo bang akala ko wala nang nagtitiwala, yung wala nang nagmamahal? Yung feeling mo nasa kawalan ka, at palagi ka na lang magbabanggit ng hugot lines para mabawasan ang kirot na nararamdaman? Higit sa lahat, yung feeling na mag-isa ka, kahit na hindi. Mabigat na taon, sabi ng iba.
Pero hindi rin ako nag-iisang magsabi na may mga kakaibang surpresang dala ang taong ito. Nakita natin ngayong taon si Pope Francis, kinilig tayo sa Aldub, Merong nagkaroon ng bagong trabaho, tulad ko, mga bagong karanasan at taong nakilala, mga biyahe at bundok na naakyat, mga bagong larawang nakunan, at para sa akin at sa mga kasamahan ko, ngayong taon kami tinanggap sa Order of Preachers bilang mga Lay Novice.
Surpresa sa gitna ng mga problema sa buhay. Ganito naman ang biyaya ng Diyos, di ba? Hindi niya tayo pinababayaan sa oras na tayo ay nangangailangan. Yung nabibigla na lang tayo at may ganitong kabibigat na blessing na dumarating. Basta manatili lang tayong nagtitiwala sa kanya. Hindi tayo nag-iisa. Kahit kailan, hindi tayo nag-iisa.
At alam kong mananatili ang mga surpresa sa pagpasok ng panibagong taon. Hangga't may taong naniniwala sa kung ano'ng mga bubulaga sa kanyang buhay, darating ang biyaya. Hangga't may nagsusumikap na tuparin ang pangarap, may surpreesa. xD
Pinangako kong mag-iiba ang 2016, at magiging higit na masaya. Sana ganito rin tayo. Dahil ang buhay ay punung-puno ng surpresa, ito ay magsisimula sa ating pagsusumikap, at sa pagpapala ng Panginooon.
ISANG MASURPRESANG 2016 PO SA ATING LAHAT, AT PAGPALAIN TAYO NG PANGINOONG DIYOS!!!
No comments:
Post a Comment