ano nga ba ang susulatin ko? tungkol ba sa mga pasaway na walang magawa kundi magpasaway pa lalo, tulad ng mga dabarkads ko na walang magawa sa buhay kundi magpayabang sa mga galz? o tungkol kaya sa mga kabutihang ginagawa ng mga tao sa paligid ko, tulad ni GMA, si Mayor, o ang Barangay Captain namin kaya, o ang aming parish priest? o tungkol kaya sa mga ginagawang kabalbalan ng iba na nasa puwesto, tulad nina ___, ___, o kaya si ___?
Malay ko. Ewan ko!!!
sa totoo lang, ang mga tao sa ngayon, mas lalo pang nagiging pasaway, mas lalo pang nagiging mabait, o mas lalo pang gumagawa ng kabalbalan. lahat tayo, we are no exception to that, kasi tayo lahat iyan, eh. kung baga nga, eh lagi tayong nagpapapalit-palit ng anyo. tulad na rin pala tayo nung iba na lalaki sa araw, ngunit babae sa gabi!!!
well, anyweyz, tayo din naman, ay maraming hinahanap. marami tayong mga bagay na nais makuha. ang latest na model ng cellphone, ang in na in sa mga kikay kits ng iba dyan, ang mga latest na bags, damit, at iba pa na nais nating makamit. marami tayong mga ambisyon, at marami rin naman tayong mga paraan upang makamit iyon, kahit ang pagkitil ng buhay ng iba.
Eh ano ngayon? anong pakialam ko dyan? itong taong ito, nababaliw na!!!
sa totoo lang, alam ko na ang sasabihin ninyo about me. and that's the reality of life... wala tayong pakialam sa mga nasa paligid natin. Sa lahat ng mga concerns na napagdaan natin, itong SOCIAL side ang hindi natin nabigyan ng tunay na pansin.
Hindi ninyo ba napapansin...
ang utang natin na hindi natin mabayad-bayaran?
ang ating mga bundok na makakalbo na, ang mga dagat na wala nang mga isda, kundi mga basura ang mga lumalangoy?
ang mas lumalaking problema ng Extra-Judicial Killings?
ang mas lalong dumadaming bilang ng napapariwarang mga kabataan?
ang mas lalong nasisirang pamilyang pilipino?
ang mga pasikretong abortion?
ang mga paglalapastangan sa mga Simbahan, at ang mga problema sa Celibacy?
ang mga mas lalo pang lumalaking problema ng Drugs?
ang mas lumalalang problema sa Sekswalidad ng tao?
ang mga pasaway na nasa lipunan, nagmamani-obra sa pera ng bayan sa masamang paraan?
at mas higit pa...
ang mas lalong paglayo natin sa ating Poong Bathala, sa ating Diyos na manlilikha?
Oo, napapansin natin. ngunit ang mas higit na tanong...
Ano ang ating Gagawin?
Tayo, bilang mga laiko sa Simbahan, ay may tungkulin tayong dapat gawin sa mga panahong ito. Hindi natin dapat ito ipagwalang-bahala, tayo ay may responsibilidad na dapat nating gawin sa mga panahong ito. We have the Duties and the Responsibilities, therefore, we must do what we are supposed to do. We must give everything for the continous growth of our Country, and of the Church in this World. We must not be sitiing here, doing nothing. We must do something, and quick, and now.
ngayon, balik tayo sa tanong ko kanina. ano ba ang susulatin ko? well, nasulat ko na ang dapat na sulatin, at dapat na hindi ito matapos dito. Ilabas natin ito sa ating mga salita, at sa gawa. :)
September 27, 2006, sa pakikiisa sa National Laity Week, na may temang:"Building a Culture of Love."
Wednesday, September 27, 2006
Wednesday, September 20, 2006
Add me up, mga guyz!!!
Kung nais po ninyo akong maging friend sa friendster, add me up!!!
ito po ang aking url...
www.friendster.com/litra003
Ingatz po lagi!!!
ito po ang aking url...
www.friendster.com/litra003
Ingatz po lagi!!!
Friday, September 15, 2006
On the Triumph and the Sorrows...
The Cross...
The Mother...
-_-
Kahapon, ipinagdiwang Natin ang Pagtatampok o ang Pagtatagumpay ng Krus na Banal. Sa araw na ito, ay ginunita ang pagkakadiskubre ni Santa Elena sa Krus ng ating Panginoon.
Sa Ebanghelyo natin kahapon, ay ibinigay sa atin ni Jesus ang mga salitang: "Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa Sangkatauhan, kaya niya binigay ang kanyang bugtong na anak, na ang sinumang maniwala, ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan."
Oo, gayon na lang. Sobra-sobra ang pagmamahal ng Diyos sa ating lahat, Mahal na mahal niya tayo sa kabila ng ating kawalang-paggalang sa kanya.
-_-
Sa araw naman na ito, ay ipinagdiriwang natin ang Mater Dolorosa, o ang Birheng nagdadalamhati. gayon din naman, ay inaalala ngayon ang Siete Dolores, Seven Dolors, Pitong Hapis ng Inang Birhen.
Sa Ebanghelyo natin ngayon, ay sinasabi sa atin ni Jesus ang mga Salitang "Anak, ang iyong Ina... Babae, ang iyong anak."
Ipinagkatiwala tayo ni Kristo sa mapagmahal na pagkakandili ng Mahal na Birhen. Nawa, ay masuklian natin ito ng kahit mga simpleng mga bagay na makakapagsaya na ating Ina.
-_-
Nawa, ay lumapit tayo sa Ating Ina, upang kasama niya, tayo ay makalapit sa Ating Panginoon, na namatay sa Krus, at muling Nabuhay para sa ating lahat.
:)
Septyembre 15, 2006
Thursday, September 07, 2006
The Day before the Birth of My Mother, Our Mother.
-----
This feast of the Birth of Mary is one of the first links between the Old Testament and the New Testament and the origins of the feast date back to the fifth century when a Church was built on the site where the pool of Bethesda was, as told in John 5:1-9. The scholars of those days deducted that it was also the site of where Our Lady's parents Saint Joachim and Saint Anne lived, and Mary was born. Since Mary was the one God chose to become the Mother of Our Savior, the Church felt it important to honor her feast. Though it started in the East, by the seventh century Rome was celebrating it in the universal Church instituted by Pope Sergius I in the early 700's. In the 13th century the feast became a Solemnity with a day of fasting the day before. Though there were various dates over the centuries on which different countries and cultures celebrated her birth, the Church officially attributed the Blessed Mother's birth to September 8th - nine months after the Feast of Mary's Immaculate Conception which is celebrated December 8th.
-----
Si Maria ang isa sa mga pinakamahalagang tao sa kasaysayan ng Kaligtasan. Kung wala si Maria, ay hindi maisisilang ang ating Panginoon, at walang kaligtasang naganap.
Minsan naisip ko, kung wala si Maria, ay wala si Kristo, wala ang Simbahan, wala ang kamatayan sa Krus para sa lahat. at totoo, kasi sabi nga, ang pagsilang sa Mahal na Birhen ang pagbukang- liwayway ng kaligtasan para sa lahat, kasama tayo doon.
Sa aking buhay, I cannot say that I am a devotee of the Blessed Virgin, because I am one of his children. I do not call myself as her devotee, but as her child. sa kabila ng aking kakulangan ng papuri sa kanya, sa kabila ng aking mga kamatayan, sa kabila ng aking mga kasalanan, ay nandiyan pa rin siya, dinadala ako kay Kristong anak niya. Kung hindi dahil sa kanya, ay wala ako kung saan ako ngayon. She took me to the Church, through the Legion of Mary, and later on, through the Neo-Catechumenate and Altar Servers, At masaya ako. Napamahal ako sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya, eh wala ako ngayon sa Simbahan. Dinala niya ako sa kanyang anak, at nagpapasalamat ako sa kanya.
Ikaw, na nagbabasa nito, ano ang nagawa na para sa iyo ng Mahal na Birhen? wag mong sabihing wala, baka masapatos kita dyan (joke!!!). Imposibleng walang nagawa para sa atin ang ating Ina, dahil araw-araw, gabi-gabi, ay palagi siyang nasa piling natin. palagi niya tayong ginagabayan. at mas matindi pa, palagi niya tayong tinutulungan sa ating paglapit sa Kanya.
-----
O Mahal na Birheng Maria, Ikaw na nagsilang sa ating Panginoon, nagpapasalamat kami sa Iyo, sa lahat-lahat ng iyong mga ginawa para sa amin, lalung-lalo na ang pagdadala mo sa amin sa Diyos na lumikha sa amin. nagpapasalamat din kami sa iyo, sa palagiang paggabay, pagsuporta, at pagkalinga.
Tulungan mo kami na humingi ng tunay na pagsisisi sa aming mga nagawang kasalanan, sa lahat-lahat ng pagkakataon na nagkasala kami sa Iyong Anak, at sa Aming Ama.
Tulungan mo rin kami na maisabuhay ang tinuro sa amin ng iyong anak: mahalin namin ang aming kapwa tulad ng pagmamahal namin sa aming sarili, nang sa gayon ay magawa rin naming mahalin ang Diyos ng higit sa lahat.
Sa iyong mahal na paanan ay itinataas namin ang mga taong nasa kapaligiran namin, ang mga gumagawa ng mga pangyayari sa kasalukuyan. Tulungan mo kami upang maitaas namin sila sa Iyong Anak at aming Panginoon...
Ang Simbahang itinatag ng iyong Anak, ang mga tao na nagbibigay sa amin ng mga tinuro ng iyong anak... Si Benito na aming Papa, ang aming mga Obispo, ang aming mga Pari, ang mga Relihiyoso, ang mga Misyonero... tulungan mo sila upang mas lalo pa nilang maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang nasasakupang diyosesis, at parokya.
Ang mga umuugit sa Pamahalaan sa gitna ng krisis ay magkaroon nawa ng liwanag, upang matapos na ang mga suliranin ng aming bayan, at upang mapangunahan kami ng pagmamahal, upang kami'y maging tunay na Kristiyano, mapagmahal sa aming bayan at sa aming kapwa.
Ang mga maysakit at mga nasa bilangguan sa mga sandaling ito, lingapin mo sila, kalingain, at bigyan ng kaginhawaan na ikaw lang at ang iyong Anak ang makakapagbigay.
Ang mga nangamatay na, upang makakita sila ng tunay na liwanag. Dalhin mo sila sa kaharian ng Iyong Anak, at bigyan mo na ng Kapayapaang walang hanggan.
At ang aming mga personal na kahilingan........ dalhin mo ang lahat ng ito sa paanan ng Iyong Anak at aming Panginoon.
Ngunit ipinapaubaya pa rin namin ang lahat ng ito sa iyo tulad ng sinabi ni Kristo sa Hetsemani:
"Wag ang Kalooban namin, ngunit ang Kalooban ng Diyos ang mangyari."
Ang lahat ng ito ay itinataas namin sa Diyos Amang Makapangyarihan, sa pamamagitan ni Kristong iyong anak at aming Panginoon, kasama ng Banal na Espiritu, at sa mga panalangin mo, O Mahal ng Birheng Maria.
AMEN...
Ave Maria, gratia plena, Dominus tecum, benedictatum in mulierabus, et benedictus fructus ventris tui Iesus. Sancta Maria, Mater Dei, ora pro nobis peccatoribus, nunc et in ora mortis nostre. AMEN.
:)
September 07, 2006
Subscribe to:
Posts (Atom)