ano nga ba ang susulatin ko? tungkol ba sa mga pasaway na walang magawa kundi magpasaway pa lalo, tulad ng mga dabarkads ko na walang magawa sa buhay kundi magpayabang sa mga galz? o tungkol kaya sa mga kabutihang ginagawa ng mga tao sa paligid ko, tulad ni GMA, si Mayor, o ang Barangay Captain namin kaya, o ang aming parish priest? o tungkol kaya sa mga ginagawang kabalbalan ng iba na nasa puwesto, tulad nina ___, ___, o kaya si ___?
Malay ko. Ewan ko!!!
sa totoo lang, ang mga tao sa ngayon, mas lalo pang nagiging pasaway, mas lalo pang nagiging mabait, o mas lalo pang gumagawa ng kabalbalan. lahat tayo, we are no exception to that, kasi tayo lahat iyan, eh. kung baga nga, eh lagi tayong nagpapapalit-palit ng anyo. tulad na rin pala tayo nung iba na lalaki sa araw, ngunit babae sa gabi!!!
well, anyweyz, tayo din naman, ay maraming hinahanap. marami tayong mga bagay na nais makuha. ang latest na model ng cellphone, ang in na in sa mga kikay kits ng iba dyan, ang mga latest na bags, damit, at iba pa na nais nating makamit. marami tayong mga ambisyon, at marami rin naman tayong mga paraan upang makamit iyon, kahit ang pagkitil ng buhay ng iba.
Eh ano ngayon? anong pakialam ko dyan? itong taong ito, nababaliw na!!!
sa totoo lang, alam ko na ang sasabihin ninyo about me. and that's the reality of life... wala tayong pakialam sa mga nasa paligid natin. Sa lahat ng mga concerns na napagdaan natin, itong SOCIAL side ang hindi natin nabigyan ng tunay na pansin.
Hindi ninyo ba napapansin...
ang utang natin na hindi natin mabayad-bayaran?
ang ating mga bundok na makakalbo na, ang mga dagat na wala nang mga isda, kundi mga basura ang mga lumalangoy?
ang mas lumalaking problema ng Extra-Judicial Killings?
ang mas lalong dumadaming bilang ng napapariwarang mga kabataan?
ang mas lalong nasisirang pamilyang pilipino?
ang mga pasikretong abortion?
ang mga paglalapastangan sa mga Simbahan, at ang mga problema sa Celibacy?
ang mga mas lalo pang lumalaking problema ng Drugs?
ang mas lumalalang problema sa Sekswalidad ng tao?
ang mga pasaway na nasa lipunan, nagmamani-obra sa pera ng bayan sa masamang paraan?
at mas higit pa...
ang mas lalong paglayo natin sa ating Poong Bathala, sa ating Diyos na manlilikha?
Oo, napapansin natin. ngunit ang mas higit na tanong...
Ano ang ating Gagawin?
Tayo, bilang mga laiko sa Simbahan, ay may tungkulin tayong dapat gawin sa mga panahong ito. Hindi natin dapat ito ipagwalang-bahala, tayo ay may responsibilidad na dapat nating gawin sa mga panahong ito. We have the Duties and the Responsibilities, therefore, we must do what we are supposed to do. We must give everything for the continous growth of our Country, and of the Church in this World. We must not be sitiing here, doing nothing. We must do something, and quick, and now.
ngayon, balik tayo sa tanong ko kanina. ano ba ang susulatin ko? well, nasulat ko na ang dapat na sulatin, at dapat na hindi ito matapos dito. Ilabas natin ito sa ating mga salita, at sa gawa. :)
September 27, 2006, sa pakikiisa sa National Laity Week, na may temang:"Building a Culture of Love."
No comments:
Post a Comment