Friday, September 15, 2006
On the Triumph and the Sorrows...
The Cross...
The Mother...
-_-
Kahapon, ipinagdiwang Natin ang Pagtatampok o ang Pagtatagumpay ng Krus na Banal. Sa araw na ito, ay ginunita ang pagkakadiskubre ni Santa Elena sa Krus ng ating Panginoon.
Sa Ebanghelyo natin kahapon, ay ibinigay sa atin ni Jesus ang mga salitang: "Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa Sangkatauhan, kaya niya binigay ang kanyang bugtong na anak, na ang sinumang maniwala, ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan."
Oo, gayon na lang. Sobra-sobra ang pagmamahal ng Diyos sa ating lahat, Mahal na mahal niya tayo sa kabila ng ating kawalang-paggalang sa kanya.
-_-
Sa araw naman na ito, ay ipinagdiriwang natin ang Mater Dolorosa, o ang Birheng nagdadalamhati. gayon din naman, ay inaalala ngayon ang Siete Dolores, Seven Dolors, Pitong Hapis ng Inang Birhen.
Sa Ebanghelyo natin ngayon, ay sinasabi sa atin ni Jesus ang mga Salitang "Anak, ang iyong Ina... Babae, ang iyong anak."
Ipinagkatiwala tayo ni Kristo sa mapagmahal na pagkakandili ng Mahal na Birhen. Nawa, ay masuklian natin ito ng kahit mga simpleng mga bagay na makakapagsaya na ating Ina.
-_-
Nawa, ay lumapit tayo sa Ating Ina, upang kasama niya, tayo ay makalapit sa Ating Panginoon, na namatay sa Krus, at muling Nabuhay para sa ating lahat.
:)
Septyembre 15, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment