Wednesday, November 29, 2006

In Advent of the Liturgical Year C...

From the Title itself, we are going to talk about the Coming Year, as well as the passing year... in Liturgical Sense.

Advent is just around the corner, as well as Christmas and New Year.

But the Question is... Ano nang nangyari sa buhay mo? What happened in your life?

Alam ninyo? I always hear in our Celebrations the words:"Wag mong padaanin si Kristo sa Buhay mo na parang walang nangyari." and It's true... most of the time, we see Christ walking in some part of our lives, but it seemed as if nothing is happening. Christ is walking, and we cannot see Him. He is in the beggar, and we don't care about the Beggar. He is in those people that are in need of our help, but it is as if we are blind and deaf of their cries...

This is what Advent is all about. This is a call for all of us, hindi para maghanda ng mga material na bagay para sa mga kaibigan nating mga mayayaman din. But for all of us to prepare our hearts, to prepare our good deeds. kasi kung iisipin, eh nagsasayang ka na nga ng pera, parang malungkot ka pa at nanghihinayang pag binigay mo ang regalo mo sa kaibigan mo, kasi mahal yung bagay na iyun...

What we need is a heart, mind, soul, and body na handa sa pagdating ng KYRIOS, ng Kristo, sa pamamagitan ng kawanggawa. Hindi ka na naglustay ng pera, masaya ka pa, and it makes you worthy, di ba?

So, do you want to have a more fulfilling Advent, Christmas, and New Year? Do the Three P's... Panalangin, Paglilimos, and Pag-aayuno( kahit na hindi mo mapigilan ang pagkain, o sige na nga!!!)

Happy Advent 2007, and may we have these 4 weeks a fulfilling spirit, a spirit of Anticipation for Christmas!!!

PEACE!!!

Nov. 29, 2006

Saturday, November 25, 2006

On the Kingship of Christ...


Christ in all his Majesty, Humility, and Justice, the PANTOCRATOR...
____________
Solemnity of the Kingship of Christ - 34th Sunday in the Ordinary Time
November 26, 2006

Gospel : John 18, 33-37

33
Pilate entered the praetorium again and called Jesus, and said to him, "Are you the King of the Jews?"
34
Jesus answered, "Do you say this of your own accord, or did others say it to you about me?"
35
Pilate answered, "Am I a Jew? Your own nation and the chief priests have handed you over to me; what have you done?"
36
Jesus answered, "My kingship is not of this world; if my kingship were of this world, my servants would fight, that I might not be handed over to the Jews; but my kingship is not from the world."
37
Pilate said to him, "So you are a king?" Jesus answered, "You say that I am a king. For this I was born, and for this I have come into the world, to bear witness to the truth. Every one who is of the truth hears my voice."

____________

Sa mga nagtataka kung ano ang ibig sabihin ng Icon ng Christ Pantocrator na nasa itaas, eto ang explanation niya...

Nakapaligid kay Kristo ang tatlong bilog, na sumisimbulo sa Santisima Trinidad, ang Ama(symbolized by the biggest circle), ang Anak (simbolized by the next circle, na nagre-rest sa halo sa may ulo niya), at ang Banal na Espiritu (symbolized by the smallest circle). Sila ay nagkakaisa sa pag-ibig upang ipamahagi sa mga tao ang kanilang pagmamahal at awa.
Sa Pinakamalaking bilog naman, ay nakapaligid ang mga animo'y triangle na kulay pula, sumisimbulo sa apat na Ebanghelista, na nagpahayag ng Mabuting balita ng kaligtasan sa lahat.
At kung nagtataka kayo kung ano ang ibig sabihin ng mga nakasulat sa libro na "AMATE I VOSTO HEMICI, VENGO PRESTO", ang ibig sabihin nito ay "IBIGIN MO ANG IYONG KAAWAY, DARATING NA AKO!!!"

Sa ibang mga version ng icon na ito, makikita ang isang Kristo na mabangis, malupit, at parang walang habas na hahatulan ang mga tao sa kanyang pagdating, ngunit idini-deplect ng Version na ito na mayroon Isang Kristo na mapagpatawad, maawain, naghihintay sa ating pagbabalik-loob, na hindi tayo hinahapit, kundi binibigyan ng pagkakataon (kung iisipin nga naman, ay masyadong malupit ang mga painters noon, at sinadya nilang magmukhang nakakatakot ang mga Mukha ng kanilang mga version ng Pantocrator... talking about the arts!!!).

At ito ang mensahe ng ating Ebanghelyo para sa Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.... ang kababaang loob ng Diyos Anak, na nagpakababa hanggang kamatayan, upang iligtas tayo mula sa kamatayan. Kahit na totoo na darating ang panahon na huhukumin tayo, ay binibigyan pa rin tayo ng panahon at pagkakataon upang magbago, at ipahayag sa tanan ang Ebanghelyo ng Kyrios, ng Kristo, na ang ipinapahayag ay hindi tungkol sa masamang mga gawa, at ang pagbulag sa mundo tungkol sa mga gawa sa Kalangitan, kundi ang pagmamahal ng Diyos, at ang KATOTOHANAN ng kanyang kadakilaan. Sabi nga ni Kristo, "ang Sinumang nasa katotohanan, ay nakikinig sa aking tinig." Ito ang panawagan sa ating lahat sa araw na ito. Wag natin sanang iisipin na wala nang pagkakataon upang magbago... Kapatid, may oras pa. Sama-sama tayong magbago, at sama-sama nating paghariin si Kristo sa ating mga puso, para sa ikaliligtas ng tanang mundo!!!

AMEN.

November 25, 2006

Saturday, November 18, 2006

Sa mundo ng Kawalan...

( I created this last night, bunga ng inis ko... hindi ko naisip na makakagawa ako ng ganito. well, anyweyz, eto na, ang bunga ng inis!!!)


Isang araw, nasa harap ako ng Altar, nakaluhod sa harap ng isang malaking Krusipiho.

di ko nga alam kung bakit ako naroroon, at kung ano ang ginagawa ko doon...

At mula sa kaloob-looban ng aking kaluluwa, ay naramdaman ko na lang na may sumisigaw sa hapdi at hirap ng kanyang nararamdaman. Nararamdaman ko siya, lumuluha nang masagana habang isinisigaw ang kanyang daing.

Ito ang sigaw niya...

"Panginoon!!! Bakit? Bakit ako humaharap sa mga sitwasyong ito? kailangan ko bang pagdaan ang lahat ng ito? Sabihin mo, Panginoon! Bakit ako naririto? Ano ang dahilan ko upang mabuhay? Ano ang dahilan upang pagdaan ko, at danasin ang lahat ng ito? Ano ba, Panginoon? SABIHIN MO!!!"

At mula sa kawalan ng bulwagan, ay may biglang nagsalita...

"Makinig ka, anak."

Lumingon ako, tumingin sa likuran, at nakita ko naman na walang tao. binalik ko ang aking tingin sa Altar. Muling may nagsalita...

" Anak, makinig ka sa sasabihin ko.

"Kayong lahat na mga tao, ay kailangan na dumaan sa mga pagsubok na dumadaan sa inyo. lahat ng iyun, ay hindi ninyo nalalaman kung gaanong kahirap, o kung gaanong kagaan, o kung ano mismo ang pagsubok na iyon. Iyan ang dahilan ko kung bakit ako naririto...

"Tandaan mo anak. Ikaw ay hindi pinanganak para sa sarili mo. Ikaw ay pinanganak para sa iba. Hindi ka nabubuhay para punuin ang sarili mo ng kung anu-ano. Nabubuhay ka para sa kapwa mo, upang magsabog ka ng kaliwanagan na tulad ng isang bomba, isang nukleyar na bomba, nagsasabog siya ng kaliwanagan sa lahat ng dako, iyan ang dapat mong ginagawa.

"May dahilan ang lahat. kung ngayon ay nahihirapan ka, ay wag kang matakot na lumapit sa akin. Iyan ang kulang sa inyo. Lagi ninyong iniisip na kaya ninyo, na sa totoo, ay hindi, at malayong mangyari. Wala kayong magagawa kung wala ako sa piling ninyo. Iyan ang katotohanan.

"Tandaan mo, anak. May dahilan kung bakit ka nabubuhay. Sa ngayon ay hindi ninyo pa alam, ngunit sa paglaon ay malalaman at maiintindihan mo na rin. Mahihirapan ka ngayon, ngunit tandaan mo na lagi akong nandyan sa puso mo. Tumawag ka sa akin!!! Maghihintay ako para sa iyo!!!

"Tanggapin mo ang lahat ng mga karuwahaginan, ang mga inis, ang pait ng mga salitang masasama, lahat ng mga nakakababa sa iyo. Tanggapin mo lahat ng iyun para sa akin, at para sa mas lalong ikakadakila ng ngalan ko. At makukuha mo ang kaginhawaang walang hanggan.

"Lagi akong naririto para sa iyo.. Mahal na Mahal Kita!!!"

... biglang....

" Wewe, 5:00 na!!! gising na!!! magse-serve ka pa, di ba?"

Panaginip lang pala ang lahat. Pero sana, ay hindi na lang makulong sa panaginip ang mga mensahe ng Boses na iyon...

11-17'06

Alam ninyo, habang sinusulat ko ito kagabi, parang napapaiyak ako sa mga sinusulat ko. alam ninyo ang nasabi ko kagabi, hanggang ngayon? ito:

OO, Panginoon!!! hindi ako bibitiw sa pagkakahawak ko sa iyo!!! Alam ko na mahal na mahal mo ako, kahit na makasalanan ako. Tulungan mo ako na mas lalo pa kitang mahalin sa kapwa ko. Patuloy mo akong yakapin,upang sa kabila ng mga masasamang salita at pang-iinis ng iba, ay maintindihan ko sila, at mas lalo ko pa silang mahalin!!! Patuloy mo akong gabayan, sa buhay na ito, at sa kabila. ibigay mo sa akin ang iyong grasya ng kabaang loob, nang magawa ko ang lahat ng mga pagsubok na ibibigay mo sa akin, at upang mas lalo kita maipakilala sa mundo, maging tanda man ito ng pag-aalay ko ng aking buhay.

AMEN!!!



Mula sa harap ng Kompyuter at sa kaibuturan ng puso ko...

11-18'06

:)

Wednesday, November 01, 2006

dahil sa mga indulhensya...

alam ninyo?
balisang-balisa ako.
bakit naman?
malay ko.

Lagi akong nakatingin sa buhay bilang isang perpektong bagay. walang problema, walang magbabawal sa iyo, walang masama, walang hindi pwedeng gawin, as in... lahat, pwede.

pero, hindi naman ganoon, eh... laging may bawal, laging hindi pwede, laging may problema, laging may masama,...

bakit nga ba ganoon?

pero sa pagtagal, nakita ko ang dahilan, kung bakit nga ba ganoon...

I'm just insecure...
I'm not walking in the right way.
I'm not who I must be.

I need help...
I need someone to guide a guy like me.

I found him, but I just can't recieve fully his teachings.
I loved him, but it just seems it's still lacking.
I want to be with him always, but there is something that makes me not to follow him.

i'm in sin.

I took the test. failed.
I took another one. failed again.
I had a retake. failed for the nth time.

I want to be a saint, but I'm in sin.
I want to be in glory, but I'm in sorrow.
I'm in sin, but still, I don't have that enough supplications.

But I still hope.
hoping that he will still be there for me.
hoping that I will be out of sin.
hoping that I will get out of the sorrow.
hoping that I will pass the test this time.

Conclusion?

tayo ay laging nahaharap sa mga sitwasyon na napupunta sa resolusyon na "ayaw ko na. suko na ako. baboosh na!!!" mali iyun.
kahit na tayo ay nasa kasalanan, kahit na tayo ay nadadapa, kahit na tayo ay pinagtakpan ng langit at lupa, kahit na kamukha natin si bakekang, magbago man ang ikot ng mundong ibabaw, kahit na dumaan ang maraming bagyong milenyo, kahit na ilang EDSA revolution ang dumaan, kahit na magunaw ang mundo...
isa lang ang hindi magbabago. si God.
Mahal na mahal niya tayo. kinakalinga niya tayo. sumisikat pa rin ang araw. nagigising pa rin tayo. may mga konsensya pa rin tayo. nakakapaglakad pa rin tayo. yung iba, may wheelchair, pero nakakapag-ikot-ikot pa rin. nakakakanta pa rin tayo. nagagawa pa rin natin ang iba't ibang mga bagay na pwede nating gawin.

talagang mahal na mahal niya tayo. nararamdaman ko kasi, eh.

wag tayong sumuko. wag tayong mawalan ng pag-asa. wag tayong masiraan ng loob.

Lagi siyang nandiyan para sa atin. mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NIYA TAYO!!!

(PS: ngayong November 01, bukas, November 02, ay pinagkakaloob ng Simbahan ang PLENARY INDULGENCE para sa mga taong magsisimba,bibisita sa Sementeryo, o magdarasal para sa mga kaluluwa sa Purgatoryo. kaya ako inspired ngayon!!! hehe!!! :))

November 01, 2006