( I created this last night, bunga ng inis ko... hindi ko naisip na makakagawa ako ng ganito. well, anyweyz, eto na, ang bunga ng inis!!!)
Isang araw, nasa harap ako ng Altar, nakaluhod sa harap ng isang malaking Krusipiho.
di ko nga alam kung bakit ako naroroon, at kung ano ang ginagawa ko doon...
At mula sa kaloob-looban ng aking kaluluwa, ay naramdaman ko na lang na may sumisigaw sa hapdi at hirap ng kanyang nararamdaman. Nararamdaman ko siya, lumuluha nang masagana habang isinisigaw ang kanyang daing.
Ito ang sigaw niya...
"Panginoon!!! Bakit? Bakit ako humaharap sa mga sitwasyong ito? kailangan ko bang pagdaan ang lahat ng ito? Sabihin mo, Panginoon! Bakit ako naririto? Ano ang dahilan ko upang mabuhay? Ano ang dahilan upang pagdaan ko, at danasin ang lahat ng ito? Ano ba, Panginoon? SABIHIN MO!!!"
At mula sa kawalan ng bulwagan, ay may biglang nagsalita...
"Makinig ka, anak."
Lumingon ako, tumingin sa likuran, at nakita ko naman na walang tao. binalik ko ang aking tingin sa Altar. Muling may nagsalita...
" Anak, makinig ka sa sasabihin ko.
"Kayong lahat na mga tao, ay kailangan na dumaan sa mga pagsubok na dumadaan sa inyo. lahat ng iyun, ay hindi ninyo nalalaman kung gaanong kahirap, o kung gaanong kagaan, o kung ano mismo ang pagsubok na iyon. Iyan ang dahilan ko kung bakit ako naririto...
"Tandaan mo anak. Ikaw ay hindi pinanganak para sa sarili mo. Ikaw ay pinanganak para sa iba. Hindi ka nabubuhay para punuin ang sarili mo ng kung anu-ano. Nabubuhay ka para sa kapwa mo, upang magsabog ka ng kaliwanagan na tulad ng isang bomba, isang nukleyar na bomba, nagsasabog siya ng kaliwanagan sa lahat ng dako, iyan ang dapat mong ginagawa.
"May dahilan ang lahat. kung ngayon ay nahihirapan ka, ay wag kang matakot na lumapit sa akin. Iyan ang kulang sa inyo. Lagi ninyong iniisip na kaya ninyo, na sa totoo, ay hindi, at malayong mangyari. Wala kayong magagawa kung wala ako sa piling ninyo. Iyan ang katotohanan.
"Tandaan mo, anak. May dahilan kung bakit ka nabubuhay. Sa ngayon ay hindi ninyo pa alam, ngunit sa paglaon ay malalaman at maiintindihan mo na rin. Mahihirapan ka ngayon, ngunit tandaan mo na lagi akong nandyan sa puso mo. Tumawag ka sa akin!!! Maghihintay ako para sa iyo!!!
"Tanggapin mo ang lahat ng mga karuwahaginan, ang mga inis, ang pait ng mga salitang masasama, lahat ng mga nakakababa sa iyo. Tanggapin mo lahat ng iyun para sa akin, at para sa mas lalong ikakadakila ng ngalan ko. At makukuha mo ang kaginhawaang walang hanggan.
"Lagi akong naririto para sa iyo.. Mahal na Mahal Kita!!!"
... biglang....
" Wewe, 5:00 na!!! gising na!!! magse-serve ka pa, di ba?"
Panaginip lang pala ang lahat. Pero sana, ay hindi na lang makulong sa panaginip ang mga mensahe ng Boses na iyon...
11-17'06
Alam ninyo, habang sinusulat ko ito kagabi, parang napapaiyak ako sa mga sinusulat ko. alam ninyo ang nasabi ko kagabi, hanggang ngayon? ito:
OO, Panginoon!!! hindi ako bibitiw sa pagkakahawak ko sa iyo!!! Alam ko na mahal na mahal mo ako, kahit na makasalanan ako. Tulungan mo ako na mas lalo pa kitang mahalin sa kapwa ko. Patuloy mo akong yakapin,upang sa kabila ng mga masasamang salita at pang-iinis ng iba, ay maintindihan ko sila, at mas lalo ko pa silang mahalin!!! Patuloy mo akong gabayan, sa buhay na ito, at sa kabila. ibigay mo sa akin ang iyong grasya ng kabaang loob, nang magawa ko ang lahat ng mga pagsubok na ibibigay mo sa akin, at upang mas lalo kita maipakilala sa mundo, maging tanda man ito ng pag-aalay ko ng aking buhay.
AMEN!!!
Mula sa harap ng Kompyuter at sa kaibuturan ng puso ko...
11-18'06
:)
Your heart is in the right place. God is moving in your life.
ReplyDeleteSa Kanya lang naman talaga tayo makakakuha ng lakas. Wala ng iba.