Saturday, November 25, 2006

On the Kingship of Christ...


Christ in all his Majesty, Humility, and Justice, the PANTOCRATOR...
____________
Solemnity of the Kingship of Christ - 34th Sunday in the Ordinary Time
November 26, 2006

Gospel : John 18, 33-37

33
Pilate entered the praetorium again and called Jesus, and said to him, "Are you the King of the Jews?"
34
Jesus answered, "Do you say this of your own accord, or did others say it to you about me?"
35
Pilate answered, "Am I a Jew? Your own nation and the chief priests have handed you over to me; what have you done?"
36
Jesus answered, "My kingship is not of this world; if my kingship were of this world, my servants would fight, that I might not be handed over to the Jews; but my kingship is not from the world."
37
Pilate said to him, "So you are a king?" Jesus answered, "You say that I am a king. For this I was born, and for this I have come into the world, to bear witness to the truth. Every one who is of the truth hears my voice."

____________

Sa mga nagtataka kung ano ang ibig sabihin ng Icon ng Christ Pantocrator na nasa itaas, eto ang explanation niya...

Nakapaligid kay Kristo ang tatlong bilog, na sumisimbulo sa Santisima Trinidad, ang Ama(symbolized by the biggest circle), ang Anak (simbolized by the next circle, na nagre-rest sa halo sa may ulo niya), at ang Banal na Espiritu (symbolized by the smallest circle). Sila ay nagkakaisa sa pag-ibig upang ipamahagi sa mga tao ang kanilang pagmamahal at awa.
Sa Pinakamalaking bilog naman, ay nakapaligid ang mga animo'y triangle na kulay pula, sumisimbulo sa apat na Ebanghelista, na nagpahayag ng Mabuting balita ng kaligtasan sa lahat.
At kung nagtataka kayo kung ano ang ibig sabihin ng mga nakasulat sa libro na "AMATE I VOSTO HEMICI, VENGO PRESTO", ang ibig sabihin nito ay "IBIGIN MO ANG IYONG KAAWAY, DARATING NA AKO!!!"

Sa ibang mga version ng icon na ito, makikita ang isang Kristo na mabangis, malupit, at parang walang habas na hahatulan ang mga tao sa kanyang pagdating, ngunit idini-deplect ng Version na ito na mayroon Isang Kristo na mapagpatawad, maawain, naghihintay sa ating pagbabalik-loob, na hindi tayo hinahapit, kundi binibigyan ng pagkakataon (kung iisipin nga naman, ay masyadong malupit ang mga painters noon, at sinadya nilang magmukhang nakakatakot ang mga Mukha ng kanilang mga version ng Pantocrator... talking about the arts!!!).

At ito ang mensahe ng ating Ebanghelyo para sa Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.... ang kababaang loob ng Diyos Anak, na nagpakababa hanggang kamatayan, upang iligtas tayo mula sa kamatayan. Kahit na totoo na darating ang panahon na huhukumin tayo, ay binibigyan pa rin tayo ng panahon at pagkakataon upang magbago, at ipahayag sa tanan ang Ebanghelyo ng Kyrios, ng Kristo, na ang ipinapahayag ay hindi tungkol sa masamang mga gawa, at ang pagbulag sa mundo tungkol sa mga gawa sa Kalangitan, kundi ang pagmamahal ng Diyos, at ang KATOTOHANAN ng kanyang kadakilaan. Sabi nga ni Kristo, "ang Sinumang nasa katotohanan, ay nakikinig sa aking tinig." Ito ang panawagan sa ating lahat sa araw na ito. Wag natin sanang iisipin na wala nang pagkakataon upang magbago... Kapatid, may oras pa. Sama-sama tayong magbago, at sama-sama nating paghariin si Kristo sa ating mga puso, para sa ikaliligtas ng tanang mundo!!!

AMEN.

November 25, 2006

No comments:

Post a Comment