Anyway, I posted this story in the KBKP Page yesterday. As my own work, I am also posting it here in the blogsite so that you may also read it. Enjoy! VIVA NAZARENO!
===
Disclaimer: The events and persons pertained in this story are merely fictional. But remember, a story is dead without the imagination of its reader, so make it ALIVE!
“Ok, mga kapatid. Ang susunod na magpapatoo sa atin ngayong kapistahan ng Mahal na Poon Jesus Nazareno ay isang kilalang tao, artista pa nga siya, eh! Nakilala na natin siya sa mga seryeng Amayita, May Bukas Doon, at Marimarimar kasama ang hit rin na artistang si Mari. Narito siya upang magpatotoo sa nagawa ng Poong Nazareno sa buhay niya. Tawagin na natin siya, si Mr. Kimy Mendoza!”
Di ko alam ang sasabihin ko noon sa harap ng milyun-milyong tao na dumagsa sa Quirino upang humalik at makalapit sa Poon. Saan ako magsisimula? Nagdasal ako kahit saglit upang magabayan ako sa aking gagawin, at pagkatapos nito ay nagsimula akong magsalita.
“Hindi naman talaga ako deboto sa Poon noon. Ni hindi ko talaga nakita ang sarili ko na magkaroon ng debosyon sa larawan ni Hesus na naghihirap at nasa saklap na kalagayan. Sikat ako noon hindi lang sa TV pati na rin sa pelikula. Matinee Idol nga daw ako eh.
'WAH!!!! KIMY!!! KIMY!!!'
Hindi ako kuntento na supporting role lang ang meron ako. Lead ang laging gusto ko, kahit na four years pa lang ako sa industriya.
'Ok, Mr. Mendoza. We promise you that the plot of this story is worth the ratings. The story is very exotic, and it has a powerhouse cast. You shall be coupled with Mari, so we can see a big boom in this show.'
'Ok, call!'
Yung program na potential for ratings ang mas pinipili ko. Higher ratings, higher price. Ayoko ng pipitsugin.
'And the Best Actor is... KIMY MENDOZA!'
'Thank you very much for this award! Alam kong magaling ako kaya I deserve this award. Thank you also sa mga nagmamahal at sumusuporta sa akin, though I don't need you at all. Thanks again!'
Feel ko talagang nasa itaas. Feel kong laging maka-receive ng Best Actor sa bawat award-giving body na dinadaluhan ko. Kapag supporting award lang ang natatanggap ko, mas pinipili ko pang pumunta sa ibang lugar at mag-party kesa sa pumunta.
'Kimy! Pwede pa-autograph?'
'... (titingin, sabay irap, at ngingiti sa ibang fans paalis.)'
At higit sa lahat, walang ibang mas hihigit dapat sa akin. Kapag di kita kilala, di kita papansinin! Bakit, close ba tayo?
‘Mr. Mendoza, our parish community is currently constructing a Multi-purpose hall. We would appreciate any material help you could extend to us.’
‘Sorry po, Father ah. I’m very busy with endeavors that I can’t even consider your request.’
‘But Mr. Mendoza…’
‘Bye, Father, may taping pa po ako.’ (slams phone)
Walang Diyos para sa akin noong panahong iyon; ang mahalaga ay ako, ang pera ko at ang katanyagan ko bilang isang artista. Diyos? Wah! Sa totoo lang, para siya sa mga taong wala nang pag-asa sa buhay, at mga taong batugan na inaasa sa bagay na di nila Makita ang kanilang kahihinatnan sa kawawa nilang buhay.
Dati rin akong sadlak sa alak, babae at sugal. Hindi rin nga ako nagsisimba, eh. Mas pinipili ko pang maglaro sa mahjungan at makipaglaro ng apoy sa mga babae kaysa sa magsimba at magpasalamat sa lahat ng biyaya.
Pero sa mga pagkakataong dumating sa buhay ko at sa pamilya ko, nagising ako sa isang realidad na nakakagimbal at ayaw kong balikan, ni minsan sa buhay ko. Tila isang alarma, nagising hindi lamang ako kundi ang buong pamilya ko.
'Kuya, punta ka sa Ospital! Si Mama...inatake sa puso!'
‘Sige, dalhin nyo na sa ospital. May pera naman sa bangko, magagamit natin iyon.’
Atake sa puso? Ordinaryong sakit lang kaya yun?! Kaya iyan ni Mama, siya pa?! Ang tatag kaya niya kahit na suwail na anak ang mga kapatid ko. Ako naman kasi ay isang super good boy!
‘Anak, ano ba itong nababalitaan ko? Lagi ka daw nasa sugalan. Paano ang napagkakitaan mo niyan? Saan mapupunta ang perang pinaghirapan mo?’
‘Nay, alam ko ang ginagawa ko. Masama bang gawin ang mga bagay na gusto ko?’
‘Di naman sa ganun, Ronald, pero sana naman ilagay mo sa ayos ang perang nakukuha mo mula sa pagiging artista. Para rin sa iyo iyan.’
‘Nay, sorry ah, pero wala kayong pakialam sa mga ginagawa ko. Aalis na ako dito. Doon na lang ako sa condo.’
Ako ang sentro ng aking mundo. Importante ako, ako at ako. Kahit si Nanay na nagmamahal sa akin ay iniintindi ako.
‘Mommy, bakit ninyo hinahayaan si Kuya Ron na sundin ang luho niya?’
‘Hayaan ninyo nga siya. Darating rin ang araw at maiintindihan niya ang mga bagay-bagay.’
‘Pero mommy…?’
‘Sylvia, may Diyos. Kung di ko man mapanuto ang kuya mo, ang Diyos na ang bahala sa kanya.’
Pero ang mga naganap sa Ospital ay nagpabago sa lahat ng pananaw ko sa buhay. Doon umikot ng 180O ang buhay ko.
‘Mr. Mendoza, your mother is in the brink of death. She needs to undergo an immediate by-pass operation para matanggal ang bara sa mga veins sa kanyang puso. She needs it today or tomorrow. I shall be waiting for your response today. Sorry, Mr. Mendoza.’
‘How much does it cost?’
‘I can’t say, Mr. Mendoza. But one thing’s for sure, this surgery is too much costly.’
‘Naku, dok! Ok lang iyan. Marami kaming pera sa bangko.’
(tumawag sa Bangko saglit…….)
‘Hello, Junebank? … Yes, this is Mr. Mendoza. … I want to check if … WHAT? PAANONG WALA NA? … but I know I have saved much in my account … paanong casino? … what? Oh no, it cannot be! Can you please recheck? Ok, thanks.’
(babalik sa doctor)
‘Dok, it’s alright now. You may proceed with the operation.’
Akala ko, ordinaryo pa rin ang sitwasyon na iyon hanggang sa malaman ko na talagang wala nang laman ang account ko. Biglang huminto ang takbo ng aking mundo. Lahat ng planeta, bituin at araw, mistulang tumigin sa akin na animo’y guilty sa isang mabigat na kaso. Bumagsak ang lahat ng mga shooting star patungo sa akin, tila ba end of my world na.
‘Saan ako kukuha ng pera?’
Lumapit ako sa mga kasama kong manlalaro sa casino, subalit tinalikuran lang nila ako at nagpatuloy sa pagsusugal. Ganoon pala silang mga kaibigan. Kapag may nahuhuthot sila sa iyo, doon ka lang kinikilalang kaibigan, subalit kapag wala na, eh itsapwera ka na.
Lumapit ako sa mga kapwa ko artista. May mga tumulong, subalit kakarampot lang dahil daw may iba rin silang problema. Di na rin nila ako mapansin.
Nabaon ako sa samu’t-saring utang, mailabas lang si nanay sa ospital. Ang mala-mansyong bahay, halos hangin na lang ang laman dahil binenta ko ang lahat ng muwebes na naroon. Wala nga talagang natira sa akin kundi listahan ng mga utang na di ko mabayaran.
Dahan-dahan na akong nalaos. Di na raw ako patok sa masa. Napaka-arogante ko daw, mayabang at tunay na happy-go-lucky. Napatayan na ako ng ilaw, napagsaraduhan ng telon. Wala na ang dating panahon ng kasiyahan at kasikatan. Ang natira ay ako. Mag-isa. Wala na.
Hanggang sa makilala ko si John Mark, isang kapitbahay na di ko rin pinansin ni minsan dahil nga tanyag ako.
‘Bro, pagsubok lang ito lahat. Tignan mo ang puso mo. May sinasabi ba ito sa iyo sa gitna ng lahat ng nararanasan mo?’
'Ewan ko. Matuturo mo ba sa akin kung bakit?’
‘Sige, sa Biyernes, sama ka sa akin, may pupuntahan tayo.
Masasabi ko siya ang ginamit ng Diyos, na Diyos rin, sa pamamagitan ni John Mark, ang mismong nagdala sa akin sa pamimintuho sa Itim na Nazareno. Ang dating di ko pinupuntahan, ngayo’y tinungo ko sa paghahanap ko ng mga sagot sa tanong ng aking puso.
Sa unang sulyap ko sa Poon, di ko maintindihan ang nararamdaman ko sa aking katauhan. Mistulang natunaw na bato, lumuhod ako at gumapang mula sa pintuan ng simbahan hanggang sa may altar. May mga nakakilala sa akin, nagbulung-bulungan, nagtawanan na animo’y eksena sa pelikula. Pero di ko sila napansin, bagkus ay nagpatuloy ako sa paglalakad na gamit ang aking tuhod. Di ko na lang namamalayan, tumutulo na ang luha sa aking mga mata. Nakikipag-usap ako sa Poon, mistulang nawala ang lahat ng kaitiman ng aking nakaraan.
‘Panginoon, bakit? Bakit po ganito ang nangyari sa buhay ko? Bakit po?’
Sa pagdating ko sa altar, para bang box office hit, pumapakpak ang lahat ng naroon sa simbahan sa kanilang nakita. Di sila pumalakpak sa aking ginawa na parang teledrama sa galing, ngunit pumalakpak sila dahil sa ginawa ng Diyos sa araw na iyon, na nasaksihan nila. Isang artista na matigas ang puso ngayo’y lumalapit sa gitna ng mabibigat na pagsubok na pinapasan at nagpapasuko sa Panginoon na maalam sa lahat ng bagay.
‘Anak, tayo ka na diyan. Tara sa loob, usap tayo.’
Doon ko rin nakilala si Fr. Teroy, na siyang muling nagmulat sa akin sa mga aral ng Diyos at turo ng Simbahan. Sa kanyang paggabay at sa pagsigasig ni John Mark na akayin ako sa mga gawain niya sa Parokyang iyon, tila ba nagkaroon ng pagpapanibago sa aking katauhan. Talagang masasabi kong good boy na ako!
Sa pagdedebosyon ko, unti-unting bumalik ang mga bagay na dating nawala sa akin. Supporting roles, tinatanggap ko na! Lahat ng utang ko ay dahan-dahan ko nang nababayaran, kaunti na lang at Malaya na ako mula sa mga problemang pinansiyal! Si Nanay, naka-survive na rin sa kanyang pinagdaanang operasyon. At bukod pa riyan, nakilala ko si Hazel, ang pinili kong maging katipan. Ikakasal na po kami next month sa Simbahan natin sa Quiapo.
Bilang pagtanaw ng utang na loob sa Poon, ngayon po ay aktibo na ako sa gawaing liturhikal sa ating parokya bilang Lektor. Tatlong taon na po ang nakalipas mula nang makilala ko si Jesus Nazareno, at nagpapasalamat po ako na hanggang ngayon ay di pa rin niya ako pinababayaan sa lahat ng aking pangangailangan.
Sabi ng mga matatandang deboto, kaya daw umitim ang Poon ay dahil sa kanyang pag-absorb sa mga kasalanan ng mga taong sumasamba sa kanya. Baka nga siguro kinuha na niya ang lahat ng pagkakamali ng aking nakaraan. Kinuha nga niya malamang ito at pinasan sa kanyang balikat upang ituro sa akin ang bagay na hindi ko malilimutan kailanman. Mahal ako ng Diyos at kaya niyang gawin ang anuman para sa akin. Basta mananatili lang akong umaasa sa kanyang biyaya at tapat sa aking pangako sa kanya na magiging isang mabuting Kristiyano. Ito rin ang hamon sa bawat isa sa atin. Huwag lang po tayong manatili sa punas-poon at pahalik lang. Mas mahalaga ang nilalaman ng puso, mas importante ang ating intensyon na mabuhay na tapat at mabuting Kristiyano.
Salamat po! Viva Nazareno!”
Binitawan ko ang Microphone at tumungo sa likod. Lumapit ako sa paa ng Poong Nazareno at may luha sa mata ay aking nabulalas,
“Salamat po!”

No comments:
Post a Comment