Tuesday, September 18, 2012
Minamahal kong Thelma...
Maraming beses ko nang nais sumulat sa iyo tungkol sa bigat ng mga nararamdaman ko. Gusto kong makita mo at maramdaman ang sakit na pinapasan ko sa ngayon, at kung paano mo binabalewala ang mga nais kong ipahayag sa iyo. Sana mabigyan mo ng pagkakataon na mabasa at mapiga ang nilalaman ng bawat salitang sinulat ko.
Matagal na tayong magkakilala, nagmamahalan at nagsusuyuan. Subalit di mo pa rin pala ako kilala. ng lubusan. Pinilit kong ipakilala sa iyo ang tunay kong sarili. Hindi ko man kayang ibigay sa iyo ang langit, ay hinding-hindi kita dadalhin sa impiyerno dahil mahal kita.
Hinintay ko lang na makita mo iyun. Sinuyo kita, binigyan ng anumang gusto mo sa abot ng aking makakaya, pinilit kong mailapit ang sarili ko sa iyo.
Subalit hindi mo ako pinansin. Hindi mo binigyan ng sukli ang aking pagmamahal. Pinagpalit mo ako sa mayamang tsino na wala pang isang araw mong nakilala eh sinagot mo na!
Akala ko ay tapat ka? Ang sabi mo noon, hihintayin mo akong makatapos ng pag-aaral bago mo ako sagutin. Dalawang taon na lang, hindi mo pa ako pinagbigyan! Palagi naman kitang pinagbibigyan, sinusuyo. Palagi ko namang pinaparamdam sa iyo na mahal kita.
Ang daya mo. Hindi ka naging tapat sa usapan natin. Paano kita pagbibigyan sa oras na mangailangan ka? Hindi ako basta-basta titiklop sa iyo, ni papansinin, ni bibigyan ng atensyon.
Subalit kahit na pagbalik-baliktarin ko ang mundo, isa pa rin ang sinisigaw ng puso ko, na minamahal pa rin kita! Patuloy lang akong naghihintay na suyuin mo, balikan at mahalin. Hindi ka man naging tapat sa usapan natin, ako ay patuloy na maghihintay. Ganyan ang taong nagmamahal, di ba? Kahit na nasasaktan at nagmumukhang-tanga, patuloy na naghihintay at umaasa dahil mahal na mahal ka.
Maghihintay ako. Kahit na matagal pa bago magbago ang isip mo, basta maghihintay ako. Doon lang ako sa dati nating tambayan, hihintayin ka, nanamnamin ang init ng iyong pagmamahal. Patuloy na aasang babalik ka.
Mahal na mahal pa rin kita.
Sergio.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
How far can we go when we truly love someone?
ReplyDeleteThe sense of patience, this is one key factor when it comes to love. When we love, we know how to wait, kahit na abutin ng forever iyan, ok lang kasi mahal mo ang isang tao.
Deletenice one my friend! just keep goin and doin this stuff! God gave you a talent, use it. share it. Congrats!
ReplyDeleteThanks! ^^
Delete