1882, sa gitna ng epidemya ng Kolera na nanalasa sa Cavite Puerto at sa mga karatig-lugar, isang matandang babae ng naka-itim ang dumalaw sa governador ng Cavite, humiling na ipagdiwang ang Pista ng Virgen de la Soledad upang humupa ang sakit. Di nga nagtagal humupa ang kolera, at nang taong 1883, ipinagdiwang nang buong rangya ang Pista ng Mahal na Ina, tanda ng pasasalamat sa pagkakaligtas mula sa sakit at pagkalinga sa kanyang mga anak.
2020, dumating ang pandemya ng COVID-19, maraming nagkakasakit at namamatay. Daan-daang buhay ang nalagay sa perwisyo. Ngunit tayo, sa ating pag-ibig at pagtitiwala ay patuloy na kumakatok sa pinto ng langit, humihingi ng awa na tuluyan nang humupa ang pandemya, nang sa gayon, ay maibalik sa dati ang ating mga gawi at makapagdiwang muli ng Pista ng Mahal na Virgen de la Soledad sa Nobyembre na may kalakip na pasasalamat at pag-asa.
Sinu-sino nga ba sa atin ang naghihintay sa "pagdating" ng matandang babaeng naka-itim?
Isa ako sa mga naghihintay sa kanyang pagdating, pisikal man o hindi. Kaakibat ang disiplina, responsibilidad sa sarili at sa kapwa, at marubdob na pananampalataya, umaasa at nananalig ako na kahahabagan niya tayo at ng kanyang Anak na si Hesus at tuluyang pahuhupain ang pandemyang ito.
Darating rin siya. Manalig lang tayo. #ReinaDeCavite352ph
#19thHealingRosaryReinaDeCavite

No comments:
Post a Comment