Monday, December 06, 2010

LIT-tie Monday: May Dasal si Kulas!

(As we celebrate today the Feast of St. Nicholas, SANTA CLAUS to some of us, I write this poem as a way of saying that even Saints, or even the famous and prominent, have their own prayers. And so the question is, Who is the REAL CENTER of Christmas: Jesus Christ or Santa Claus? May we all be enlightened with this my rendition of LIT-tie Monday.)

MAY DASAL SI KULAS!

Pasko na naman po! Maligayang bati sa inyo!
Ipinagdiriwang na naman ng buong mundo
Ang pagsilang ninyo sa munting sabsaban
Malamig, payak ngunit banal at dakila.

Masaya ang lahat, bata't matatanda
Lahat sila'y nagsisimba, nagdiriwang
Hindi nakakalimot sa inyong kaarawan
Buong maghapo'y humihingi ng biyaya.

Ngunit sa araw na iyun, naaalala rin ng mga tao
Ang isang lalaking balbas-sarado
Usa ang sasakyan, pula ang suot
Sa kanyang karwahe'y may dalang regalo.

Ito pa nga'y umaabot sa puntong
Mas pinahahalagahan pa nila ang lalaking ito
Kaysa sa iyo, na tunay na dahilan
Kung bakit may Pasko, at may kaligtasan ang tao.

Hesus! Ako'y lingkod mo lamang,
Tumatalima sa iyong kalooban
Obispo sa tunay na buhay
Payak, simple, banal.

Sa pagtagal ng panahon, ginamit ako ng tao
Pinalitan ang katauhan ko
Ginamit ako sa komersyo
Ang resulta, mas tanyag ako sa'yo.

Panginoon! Pakinggan mo ang panalangin ko.
Sa totoo lang, ayokong sirain ang Pasko!
Sa mga nagdaang panahon, ito ang nagaganap
Hindi ko po sinasadya, patawarin po ninyo ako.

Tignan po ninyo, ako'y nakaluhod
Sa inyong payak at mapagpakumbabang harap
Dumadalangin po ako sa inyo.
Sana po'y pakinggan ninyo ako.

Ito po ang aking dasal,
Panginoon ko at Diyos, Hesus na minamahal.
Ang Pasko ay para sa inyo, hindi sa akin.
Sana po, ito'y inyong dinggin.

Ipaunawa po sana ninyo sa madla
Sa inyo'y naniniwala't sumasamba,
Na ang tunay na dahilan ng Pasko
Ay ang batang isinilang sa sabsaban.

~ Kulas, a.k.a. Claus


BïTZëëlöG_120610 :)

No comments:

Post a Comment