Saturday, October 29, 2011

A Man, therefore a Christian

Yesterday marked my 21st year as a Christian. Grace after grace poured in despite the trials that I had undergone. I continuously thank the Lord for letting me persevere in the faith!

This is just a quick post. Let me share 21 facts on my  21 years as a Catholic.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #1: Karamihan sa mga estudyante ko ay INC. May mga kaklase akong BAC. Napapaligiran ako ng mga kaibigang hindi ayon sa aking pananampalataya.
And still, I can socialize. Pero hanggang doon lang, kasi when it comes to my faith I go and stand by mine.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #2: Upon entering the CCS in 2006, the first thing I received is the Relic of Christ's Cross. In 2008, I received my present status: LAY BROTHER.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #3: Naranasan ko ring mag-mimicry ng isang Misa. Ako yung 'pari', may skyflakes at coke at Voila! May one-man Mass ka na!
One of those childhood ways which led me to the real appreciation of the Liturgy.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #4: Kung iniisip ninyo na isa lang ako sa mga nakigulo sa LN ngayong taon, you knew it wrong. I came to know of 'Nanay' (as I call her) through my sister who studied in a Dominican School.
The year? Amm... 199_.. Ganoong katagal ko na siyang kilala, only to meet her some ten or eleven years later, in 2010.
BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #5: Marami na akong naging anak. Pero naunahan sila ng aking 'Anak,' na isang Altar Server. Siya ang naging pinakamalapit sa akin noong panahong Altar Server pa ako.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #6: I fell in love with Nanay three times. First was under her title, Immaculate Conception (I studied in a Catholic School under the same title)

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #7: I fell in love with Nanay three times. Second was under the title, Our Lady of the Miraculous Medal, thanks to a glow-in-the-dark image which my kuya gave me from Taiwan. My religious name reads, JOHN EZEKIEL MARIA OF THE MIRACULOUS MEDAL AND OF THE CROSS..

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #8: I fell in love with Nanay three times. Third was with Our Lady of the Rosary. Aside from LN, the secondary patroness of the Parish of Sta. Cruz in Tanza is Our Lady of the Rosary.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #9: Sa kamatayan ko, nais ko ay may puno sa paligid ng puntod ko... kung di ako titipirin at kung di apartment-type ang magiging tahanan ko. I also want Christian songs to be sung during the journey there.
Bakit nga ba puno? Ito nga ang magsisilbing tanda sa legacy na posibleng iwan ko sa inyo. TUMAYO SA KABILA NG PAGSUBOK. TUMAYO KASI KASAMA KO SI LORD AT SI NANAY.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #10: Feb. 01, 2004 when I entered the SCP-MAS. Since then, I was never taken out of the Holy limelight. If ever I still remained a server until today, I would be in the ministry for eight years. (Minus three...)

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #11: I attended masses during childhood - alone - in my Mother Parish. Something which I persevered in doing until now. Mas matindi pa nga ngayon. I go as far as Sto. Domingo!

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #12: Mahina ako sa Math, pero in High School, I had better grades in two subjects, English and Religion.I took English as my major subject, while making myself involved in much parish work. Studies never wasted.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #13: Ur Dose. Hindi naman talaga siya bahagi ng plano, eh. Marami na akong natanggap na batikos dahil sa blogsite na ito. Pero tinatanong ko, bakit hanggang ngayon, isang taon ko na itong ministeryo, at di ako nagsasawa sa pagsulat ng mga pagninilay. Is this my calling, indeed?
This leads me to my blog-child. I began it in 2006 because of my love for recording significant events in my life. It was also during those years when I saw my first written Gospel Reflection. Very far from today's Ur Dose.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #14: I was born on the 19th of August. As Mico and I analyzed it, there was much of Mary on that day. Mary appeared at Fatima on that day in 1917, and in Lipa in 1945.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #15
: I entered the Parish Pastoral Council in 2009. Outside the PYM and MAS, I was counted as the youngest member of the Council. I was appointed as secretary of the Worship Ministry, now Commission on Worship and Liturgy.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #16: KP had contributed much to my personality today. ... Warfreak type. Paano ba naman hindi? I must stand for what is right, as Divine Providence gives us.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #17: Novena to the Souls in Purgatory. This is the Novena which I do not forget to recite year after year. Pero if they are satisfied? With deep faith, yes. Second to that is the Novena to the Holy Coss.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #18: I can always remember the day I was confirmed.. The prelate: Bishop Teodoro Bacani.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #19: Ave Maria! (Ina ng Diyos, Ina ng Pilipino)is the first page I created in Facebook. With 570+ likes, that counts for a good page. Salamat Maria!

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #20: Masaya ang ika-21st Birthday ko as a Christian. Spent it with Mary (Living Rosary sa Parokya). I am reminded of the first time I stepped into our parish door, that was during one day of May. Hearing a mystical voice from somewhere which took my curiosity. The event: Flores de Mayo.

BiTZ THE CHIRSTIAN TRIVIA #21: How do I welcome a new day? Let's sing... SALVE REGINA! This is the first Latin hymn which I have learned, memorized and took into heart.

Wednesday, October 19, 2011

'SAINT' PEDRO CALUNGSOD?

After a day facing the secular world, I now enter the net and am surprised at what I received...

===


Hopes for second Filipino saint

Seventeenth-century teenager may become Philippines' second saint


Michael Diaz, Manila
PhilippinesOctober 19, 2011


A cardinals’ decision this week to approve a decree for the canonization of Blessed Pedro Calungsod means his elevation to the sainthood is imminent, a Church official said today.

Calungsod, who was beatified in 2000, is just waiting formal declaration by Pope Benedict XVI.

Archbishop Jose Palma of Cebu said the cardinals had voted “unanimously in the affirmative” for Calungsod’s canonization.

He said that after passing investigations made by doctors and theologians, the cause for canonization of Calungsod had also passed the review conducted by the cardinals.

“This means that Blessed Pedro Calungsod has already passed the third and final stage,” Palma said.

He said the declaration will now be submitted to the pontiff.

Another source, who spoke on condition of anonymity, said it is expected the Pope would formally declare Calungsod a saint before by December.

“I think that would also be the time that the Pope will announce the date of Blessed Calungsod’s canonization ceremony,” the source said.

The teenager from Cebu was martyred in Guam in 1672 with a Spanish Jesuit priest, now Blessed Diego Luis de San Vitores.

Palma earlier said the Offices of the Sacred Congregation for the Causes of Saints told him the documents on Calungsod are “number one” on the list.

Calungsod, if canonized, will be the first Visayan saint and second Filipino saint in history following San Lorenzo Ruiz who was canonized in Rome in 1988.


===

Though we are still waiting fr the official proclamation for the Holy See, the Filipino people would be so much delighted if this news would be confirmed by the respected Church News authorities, especially here in the Philippines.


With so much hope in my heart, I know that Kuya Pedro may sooner or later make it to the Canon and join Lorenzo Ruiz among the ranked altar of Saints.

Pray for us, Kuya Pedro!

Monday, October 17, 2011

Buhay-Tañong NHS

(I now begin my irregular series of posts about my second Field Study at Tañong National High School. Let me start this off with my final reflection as written on my portfolio. I'm not quite sure if this would define all my experiences; still, I invite you all to read and take a glimpse on one learning - not enjoying - experience.)

===



A Final Point of Reflection…

Think a million times before you commit yourself to the field. 


In Field Study 01, I was able to realize first-hand the hardships in being an observer. Many things were expected of me during my stay then in MNHS, from facing ridicule from the wild students, to the courage in facing every class and observing their attitude and behavior. The support which I garnered from my resource teacher and some supporting students, as well as the experiences I had during my stay there were overwhelming that I became more excited to take the next step, and continue my observation in another resource school. 

But as I proceed to my next resource school and conduct my Field Work there, I was not prepared on the kind of culture I was about to experience. 

Ø As I proceed from MNHS to TNHS, I had realized one big difference, that is, the difference in the learners. I can freely compare and contrast between the two sets of students which I welcomed. There is an obvious difference in the way they entertain every lesson, the way the teachers approach these kids, and in other sorts which may make my Field Work in TNHS unique. 

Ø I really had a hard time coping with the lessons. Since the lessons are patterned after the UbD curriculum, I had a rough time adjusting. It was in TNHS when I had a good realization for the 2010 curriculum, that is, UbD is good but not for all. If the learners did not have a stable foundation in Elementary days, everything that the teacher will give in High School, whatever the learning style may be, will be but turned to waste. 

Ø There are still much to experience and discover. I may not have a satisfactory experience in my present FS, nonetheless, this edition of the Field Work opened my eyes to what it is to become a teacher beyond the positive remarks. Like a coin with two sides, this Field Work prepared me to face the negativity – the ‘reality’ – of the system, most of which I shall discover more in my Student Teaching days. 

Ø I may never enjoy my field work all the time; yet the knowledge shared by Ma’am Fulgencio made me more equipped and prepared as I am months away from reality. I personally saw her burdens; while she opened my eyes to the reality of teaching. Not at all times you enjoy the work you are doing, you may lose your momentum especially if your students do not work enough. But as long as the passion is there, and as long as you love what you are doing, everything may still go in good fashion. 

I continue to thank the people who made my stay in TNHS a learning one, if not an enjoyable one. This one goes out especially to all my students. I will carry every learning, laughter, and experience as I proceed to working for the real thing. This may be the last time I may see them, but still everything will be remembered. 

I may now move on to my next resource school (can I call it ‘critique school’ now?), but just before doing so, I would remember and never forget the various experiences which I had in TNHS. Not enjoyable though, but these experiences taught me a valuable lesson: to think a million times before committing myself. I still have much to undertake and consider. 

I would still love teaching, and yet I must be more prepared for what the field has in store for me. I pray that these experiences would be helpful as I dwell into the real thing: EDUC 113, known as Student Teaching. 

And that’s it. Thanks for taking a glance at my Portfolio for my Second Field Study. See you soon when I conduct my Student Teaching! 

Thursday, October 13, 2011

DOMINUS EST!

Last June, Cebu was held in the limelight because of the election of Most Rev. Jose Palma as New CBCP President.

After four months, it is Manila's turn.


‎"His Holiness Pope Benedict XVI appointed me, a humble servant, to succeed His Eminence Gaudencio Cardinal Rosales to the Metropolitan See of Manila. I face this heavy responsibility with much trepidation. Leaving the Diocese of Imus, my beloved home, at the threshold of its Golden Jubilee is not easy. But faith in the gracious Lord and love of the Church give me strength. I know that I would find much good will and zeal for mission in the clergy, religious and lay faithful of the Archdiocese of Manila. In our openness to the Holy Spirit, we could render a joyful and robust witness to Jesus Christ, all for the glory of the Father and the good of the Church and of society, especially of the poor. I entrust the Archdiocese of Manila and my ministry to the loving care of our Lady, Mary Immaculate."

ONE WITH YOU joins the whole Catholic Community in the Archdiocese and Metropolitan Province of Manila as it exults on the appointment of its new Archbishop-elect, 
MOST REV. LUIS ANTONIO TAGLE, DD.


From being the pastor of the Diocese of Imus, to him is now entrusted the wider and richer community that is the Archdiocese of Manila, with its suffragan dioceses and communities. With his skill and bright theological competence, we are sure that he will lead the Archdiocese towards the greater achievement of proclaiming God's kingdom on Earth.


Congratulations, (Arch)Bishop Chito! Mabuhay ka!

Wednesday, October 12, 2011

LA NAVAL 2011: Milagro ni Nanay

(Baka isipin mong tinataboy kita, pero para mas maganda ang kwentuhan, bisitahin mo muna ang unang dalawang post ng seryeng ito: PART ONE at PART TWO. Click ninyo lang ang mga link para madala kayo doon. Pero kung gusto ninyo talagang magsimula dito.... hmm, sige na nga!!! )

===+===

Ang unang pagbisita sa La Naval, 10.10.10
Isang taon na ang lumipas nang una akong makarating sa Santo Domingo at maging bahagi ng Fiesta ng La Naval. Noon ko unang nakita si Nanay, at aaminin kong na-in-love ako agad sa kanya. May luha ng kagalakan sa mata, nag-iwan ako ng pangako na babalikan ko siya sa susunod na taon. Sariwang-sariwa pa sa alala ko ang gabing iyon. Mistulang kahapon lamang, hinintay kong dumating ang araw na iyun sa kabila ng kaabalahan at mga pagsubok na dumating sa buhay ko sa mga araw, linggo at buwan na dumaan.


Sa kanyang pamamagitan (naniniwala ako doon), nagkaroon ako ng mga mababait at nakaka-challenge na estudyante. Nakabangon ako mula sa mga abo ng pagkabagsak sa pag-aaral. Nanumbalik ang dating samahan ng aking minamahal na Kura, at nakabalik ako sa dati kong posisyon sa Konseho Pastoral. Ngunit higit sa lahat, napalapit at napamahal ako sa aking Mommy na tunay na nagbibigay sa akin ng aking mga pangangailangan sa  kabila ng aking kahinaan at pagkakamali sa kanya.


Pero ang pinakamatindi sa lahat ay ang kanyang pagpaparamdam ng pagmamahal at suporta lalo na sa mga sandali ng aking kahinaan, noong manakaw ang aking wallet ng dalawang beses, noong bumayo si Pedring ng matindihan at halos maligo ang buong bahay namin, noong mahiwa ang aking kaliwang palad na sa kabutihang palad ay nagagalaw ko pa rin ngayon, noong may mga taong hindi makaintindi sa aking mga nais ipahayag, at lalo na noong ma-realize kong panahon nang tumayo ako mula sa aking sekswal na kahinaan.


Tulad nga ng isang Ina, pinaramdam ni Maria sa akin na basta para sa aking ikakalago ay nandiyan siya at di ako pababayaan. Dahil dito ay lalong nadagdagan ang dahilan para dumayo sa kabila ng malakas na ulan at magpasalamat sa kanya ng personal sa lahat ng biyaya na kanyang ipinagkaloob. Kahit na anong mangyari, pupunta ako doon at ipaparamdam ko ang aking pagmamahal at pagpapasalamat sa kanya.

Friday, October 07, 2011

PEDRING y LA NAVAL: Pagmamahal sa Gitna ng Unos (Part 02)

(Magandang basahin mo agad ang post na ito, pero mas maganda kung babasahin mo muna ang Part One... READ IT HERE!!! )


October 01, 2011
Fiesta ni Ate Teresita

Umuulan noon. Hindi, umambon lang. Nasa paligid kasi yung bagong bagyo, si Quiel. Nakababad ako noon sa FB, nagdarasal na sana'y mag-online si Erwin. Di nga ako nagkamali. Nag-online siya, at nagkausap kami.

Bitz: Lakad tayo, di ba?
Whin: Ayy! Meron pala tayo bukas! Amp... Wala akong pera!
Bitz: Bakit?
Whin: Sir, wala akong naipon! Nalimutan ko na aalis pala tayo. Amp...
Bitz: Wala ka talagang pera?
Whin: Ilibre mo ako, sir. Magkano ba pera mo?

... babaratin na naman yata ako ng minamahal kong estu!!! Haixxsst.... 

Bitz: 150 ang budget ko. Sige, may 80 ka na sa akin.
Whin: Ano'ng oras ba ang lakad natin bukas?
Bitz: Ano'ng bukas? NGAYON kaya ang lakad natin?!
Whin: Naku, sir! Wala talaga akong pera.
Bitz: Sige, manghiram ka ng pamasahe kahit na papunta doon sa meeting place natin.
Whin: Sir, paano kung di ako makapunta? Ingat ka na lang.
Bitz: Wag kang panghinaan ng loob! Marami nang nagawa si Nanay para sa akin. Kung nagawa niya iyun sa akin, magagawa rin niya iyun para sa iyo. Tuloy tayo! Have Faith!
Whin: Kasi sir, gusto ko ring magkaroon ng blessing eh!
Bitz: Kaya nga, sumama ka na.

At matapos magkaisa sa lugar na pagkikitaan namin ng estudyante ko, nag-offline na kami pareho upang maghanda. Sinisita ako ng kapatid ko, "Naku, magmo-mall ka lang eh, manlalalaki! Idadamay mo pa ang simbahan. Ikaw talaga!" Pero di pa rin niya ako napigilan at tumuloy na ako sa lakad.

3:00 PM, LRT Carriedo Station.

Ano ba ito?! Maraming mukhang hablero sa paligid. Baka mapa-ano ako dito ah. Antagal naman ni Erwin!

3:15 PM, LRT Carriedo Station.

May lumapit sa akin, naka-T-shirt lang siya at sumbrero. Kinawayan niya ako. Sinukluban ako ng takot at baka kung ano ang gawin sa akin. Pero bago ako magpakita ng pagka-panic, tinignan ko muna siya ng mabuti. Kilala ko ang ngiti niya. Si Erwin na nga.

"O, Tito! Bakit parang nabalisa ka?"
"Akala ko indyanan na, eh. Kinakabahan ako."

Nagsimula na kami ng paglalakad para sa iisang misyon: ang madalaw si Nanay, at magpasalamat para sa pagkakaligtas namin mula sa bagyo. Nagsimula kaming maglakbay sa nakakatakot na daan ng Carriedo. Nakakatakot dahil sa madulas na daan, malakas na buhos ng ulan, at mga taong (sa totoo lang ay) di mapagkakatiwalaan. 

3:25 PM

"O, anak. Ito ang Simbahan ng Quiapo."
"Niloloko mo ba ako, Tito Welds? Di kaya ito ang Simbahan ng Quiapo."
Aba, may sumabat: "Iyan na ang Simbahan ng Quiapo! Sige, pasok kayo!"

May ngiti sa labi, nag-stop-over muna kami sa simbahan ng Nazareno sa Quiapo. Ito ang unang pagkakataon kong makapasok rito makalipas ang halos sampung taon. Hindi masyadong familiar ang mukha ng simbahan subalit sa unang pagtingin ko ay ituturing mo talaga siyang simbahan ng madla. Maganda, ngunit angkop sa masa  ang dating. Lalo nakakapang-akit  sa mga deboto ng Poong Nazareno na dumadagsa dito pag January.

Hinayaan ako ni Erwin na gawin ang isang bagay na nais kong gawin sa araw na ito: ang tumanggap ng Kumpisal. Parang may bulong sa akin na mas nararapat na maging malinis muna ako bago humarap kay Nanay. Isang magandang pangungumpisal ang naganap sa loob ng Confessional Box. Samantalang siya ay ginamit rin ang oras para lumuhod sa harap ni Hesus Nazareno at manalangin.

Mapayapa kaming nakaalis ng Quiapo. Handa na kaming makipagkita kay Nanay.  Excited na excited na kami.

4:55 PM

Bumaba na kami sa Banaue, tutal malapit na at parang nakakaburyo ang trapik na nararanasan namin. Bago kami pumasok sa mismomg simbahan, dumaan kami sa may kumbento ng mga pari. May tindahan sa may gilid. Samantalang ako ay bumibili ng souvenir, pinagtitripan naman ni Erwin ang anak na babae ng tindera. Sa totoo lang, sa pagdating namin doon, nagsimulang umingay sa paligid. Pero di ko kasalanan iyun... (:p)

Pero nagbago ang aura namin sa aming pagpasok sa mismong simbahan. Hindi na naalis ang paningin ko sa Magandang babae na nasa itaas ng Altar, at  sa batang kanyang buhat-buhat. Pagkatapos ng aking mga gawi sa pagpasok sa isang simbahan, inakbayan ko si Erwin at napabulong...

Hi, 'Nay! Ito na ulit ako! At tignan mo, may kasama pa ako!!!

Tinitignan lang ako ni Erwin. Napansin niya ang kakaibang kislap sa mga mata ko. Para bang may nakitang kakaiba na nagdala sa akin ng saya na kakaiba! Napabulong ulit ako, ngayon naman ay siya ang kinakausap ko...

Erwin, meet my Nanay. Mula ngayon, nanay mo na rin siya.

Napangiti siya. Alam niya ang nais kong sabihin. Naramdaman rin niya ng mga sandaling yon ang isang kakila-kilabot na pakiramdam... para bang may nakamasid sa kanya. Nakakapangilabot. Ito rin mismo ang naramdaman ko isang taon na ang nakakalipas. Love at first sight, kung baga. Napamahal na ako sa kanya, at nais kong iparamdam na minamahal ko siya.

Kung nakuha mo na kung sino siya, oo, tama ka! Siya nga si Maria, Reyna ng Santo Rosaryo ng La Naval de Manila. Halos isang taon na noong huli ko siyang nakita, kaya aaminin ko na parang high na naman ako nung mga sandaling iyon. Sariwang-sariwa pa rin sa akin ang alaala ng 10.10.10; parang pakiramdam ko, kahapon lang noong huli kaming nagkita, kahit sa totoo lang ay isang taon na ang nagdaan. Buhay na buhay pa rin ang alaala, ang alab at pagmamahal!

Dame tu Bendicion, Madre de Salvador!

Ito rin ang unang pagkakataon na makasama ako sa aktibidad na kaugnay sa pagnonobena sa Birhen. Nakadagdag ito sa pangingilabot na naramdaman ko. Iba ang naririnig sa internet sa mismong nandoon ka sa harap ng Mahal na Ina, nagsisimba at umaawit ng Ynvocacion  at  Despedida! Nakakatindig ng balahibo, nakakataas ng diwa. Ito pala ang mahika ng La Naval.

Bukod pa riyan, sinamantala na rin namin ang pagkakataon na makalapit sa Mahal na Ina sa Besamanto pagkatapos ng Misa. Pinalad akong makaluhod sa harap niya. Walang kilos, ang kamay ay nakasuporta sa mukha, nakatingin lang ako sa kanyang mukha na puspos ng pagmamahal, habang ibinubuhos ko ang lahat ng sentimyento ng puso ko. Halos maluha-luha ako ng mga sandaling iyun. Paano ba namang hindi, eh  kausap ko at kaniigan ang aking Nanay na pakiramdam ko ay nakikinig sa akin. Tunay nga, walang makakapantay sa pagmamahal ng Birhen ng La Naval!

Sa pagtatapos ng aming gabi sa Santo Domingo, nakita ni Erwin ang mukha ko at ito ang kanyang naging reaksyon, 

"Naku, Tito Welds! Parang sobrang saya mo ah! Parang maliwanag ang mukha mo... Kakilabot!"

"Ganyan ang Mahal na Birhen. Para bang buhay siya? Para bang nakikinig siya sa iyo? Kaya nga masasabi ko, siya ang Nanay ko."


9:15 PM

Sa pag-uwi namin, ang masaya sanang pagtatapos ng araw ay nauwi sa isang matinding pagsubok.

Sa pagpasok muli namin sa simbahan ng Quiapo, may isang batang nagpupumilit na ibenta sa amin ang kanyang kwintas. Wala na kaming pera noon, kaya kahit na anong  pilit niya ay isinasauli namin ang kwintas niya. Habang isinasabit niya iyun sa braso ko, sinasabi niya,

"Sige na kuya, bilhin nyo na, para lang naman sa pamasahe ko't pambaon. Salamat po!"

"Naku, neng! Wala talaga kaming  pera..."

Buti nga sana kung ganun lang ang pagsubok, subalit may isa pa na darating. Isang mabigat na pagsubok na titingin ko hanggang saan ako sa pananampalataya ko sa Diyos at pagtitiwala kay Nanay.

Nagkahiwalay na kami ni Erwin sa Carriedo, at paakyat na ako ng LRT nang biglang sumigaw ang babae sa gilid ko,

"Boy, yung harap ng bag mo, bukas."

Naalala ko, naroon ang aking wallet, gayun din ang Novena Booklet ko sa La Naval. Nang tignan ko ang bukas kong front pouch, wala na nga pareho. (Naroon rin ang USB Flash Drive ko. Salamat sa Diyos, di iyon nakuha.)

Nagpanic ako. Sinubukan kong habulin si Erwin subalit inaalala ko na baka mahalata nilang may problema ako at mauwi pa iyun sa mas matinding gulo. Wala na akong magagawa, kailangan ko nang kumilos. 

'Nay, pagsubok lang ito. Sige, ikaw ang bahala.

Di na ako nagdalawang-isip. nagdesisyon na akong maglakad mula Carriedo pauwi. Hindi iniisip ang gutom o ang mas matinding panganib na dala ng malamig na gabi sa Avenida de Rizal, binagtas ko ang mahabang daan, papalayo sa lugar  na kung saan nagsimula ang aking pakikibaka ng gabing iyon.

Marami akong nakita sa aking paglalakad sa Rizal Ave.: Mga kotse at trak na pauwi na, mga tindahan na pasara na, at mga babaeng pang-aliw na inalok pa ako ng service sa halagang Php300.00. Kinikilabutan ako. Hindi ko alam kung ano ang madaratnan ko sa daan. Subalit nasa isip ko pa ang alaala ng Besamanto, at ang maamong mukha ng Mahal na Birhen. Ang sigaw ng isip at puso ko...

Nanay, wag mo akong  pabayaan... Inang Maria, wag mo akong pabayaan...

Pagdating sa Calle Yuchengco, nakakita ako ng jeep na Gasak-Recto. Hindi na ako nag-alinlangan. Matapos ang isang matamis na dasal, lumapit ako sa driver at nakiusap...

"Boss! Nanakawan ako sa Carriedo, natangay ang wallet ko! Sampung piso lang ang pera ko. Pwede po bang makisabay?"

"Sige na, sakay na!"

Napahinga ako ng malalim. Nagpasalamat ako ng mga sandaling iyon dahil kahit na may  nangyaring masama sa akin (dala ng aking kapabayaan na rin), ay hindi ako pinabayaan ni Maria. Napatunayan ng insidenteng iyon na nariyan lang si Nanay, handang umalalay lalo na sa mga mabibigat na sitwasyon ng aking buhay. Kahit na nawalan ako ng bagay na mahalaga, pinakita sa akin ni Nanay na mas mahalaga pa siya sa anumang materyal na bagay at di niya ako pababayaan basta matatag lang akong nakakapit sa kanya.

Nagkausap kami ni Erwin sa cellphone pagkauwi ko sa bahay.

"O, tito, tuloy tayo sa Linggo?"

"Siyempre! Pagsubok lang iyun, hindi nito mababago ang pagmamahal na alay ko kay Maria, at lalo pa akong magpapasalamat dahil di niya ako pinabayaan."

"Marami tayong kasama?"

"Syempre, anak!"

"Basta tito, Walang aayaw! Hangga't di natin nakukuha kay Ina yung GRACE niya, walang aayaw!"

"Oo anak. Walang aayaw. Ngayon pa na kung anu-ano na ang napagdaanan ko? Walang aayaw, tangan lang tayo. Nandiyan si Nanay para sa atin di niya tayo pababayaan!"

Ngayon, lahat ng bagay ay nakatutok na sa isang petsa: October 09, 2011. Isang pista ng pagpapasalamat sa Inang Maria. Makikiisa kami, makikisaya at muling dudulog sa kanya. 

Ano man ang mangyari, tuloy ang laban, dahil kasama si Nanay!!!



Itutuloy...

Wednesday, October 05, 2011

"If your gift is serving others, serve them well. If you are a teacher, teach well."
Romans 12:7

MY HEART GOES OUT TO ALL TEACHERS OUT THERE WHO CONTINUOUSLY FORM AND DEVELOP THE INTELLECT AND COMPETENCE THAT IS OUR CHILDREN AND YOUTH.

HAPPY WORLD TEACHERS' DAY!!! MABUHAY KAYO! ^^


Tuesday, October 04, 2011

PEDRING y LA NAVAL: Pagmamahal sa gitna ng Unos (Part 01)

September 27, 2011

Mapayapa pa akong natutulog, malamig kasi at maulan. Bigla akong ginising ni Mommy. 

'Weldann! Weldann!!! Tumayo ka na! Magtaas tayo ng gamit!'

Pinatayo niya ako at pinatingin sa labas; nakita ko ang mataas na bahay sa tapat  namin, may waterfalls sa hagdanan nila.Bukod pa ito sa kapansin-pansing biglang taas ng tubig sa harapan ng bahay. Di ko malilimutan ang tagpong ito na siyang nagsimula ng araw ko. 

Dumating na si Pedring.

Maisalba na ang lahat ng maisalba: mga papeles, mga damit na nakababa sa kama, at syempre, ang Relic at mga religious items na nasa altar. Mabuti at nakadikit sa pader ang aking Cabinet, kaya wala na akong iba inalala pa kundi ang lahat ng gamit na nasa  baba.

Subalit kailangang magmadali. Dahil walang pananggalang, mabilis na bumulusok ang tubig sa loob ng bahay. Naligo ang lahat ng gamit sa sala at kusina: ang sofa, ang lamesita, at oo, pati refrigerator ay nagtampisaw sa gahitang baha. Pati nga kuwarto ay di sinanto ng knee-level na tubig: ang mga damit ng mommy ko, mga kama namin at iba pa. Bukod pa ito sa  mga basura at burak na nagmula sa labas. Sa kalsada naman, abot-tiyan ang tubig, isang bagay na di pa nararanasan ng mga taga-Tanza, ni minsan sa buhay ng mga naninirahan dito. Sabi nga ng ilan, Di nga kami in-Ondoy, pineste naman kami ni Pedring!

Puno ng kalungkutan ang araw na ito: walang kuryente, amoy-lansa kahit saan, waterworld ang kapaligiran. Subalit sa kabila ng lahat ng ito, ay nagkaroon kami ng dahilan para magpasalamat. Sa pagbalik ng kuryente kinagabihan (nakisaksak muna kami; baka magkaroon ng mas matinding problema pag in-on namin ang Main Switch) ay nanood kami ng balita. 

Doon namin na-realize, mas matindi pa rin pala ang tama ng bagyo sa Bulacan, Isabela at Pampanga, kaysa sa nasagap ng Maynila, Malabon at Navotas. Mapalad pa nga kami kung tutuusin, dahil ganito lang ang tama ng bagyo sa lugar namin. Maswerte pa kami, dahil parang may sumanggalang at hindi ninais na magkaroon ng ganoong katinding pinsala sa lugar namin na di-hamak na malapit sa karagatan.

Bukod pa riyan, may kakaiba pang naganap sa gitna ng unos: isang goldfish ang di-sinasadyang nakapasok sa kuwarto ko. Nang mag-umpisa na akong mag-alis ng kalat na nakalutang sa baha, may nakita akong goldfish na lumalangoy sa may papag ng kama ko (nakataas kasi ang mismong kama na basa ang ilalim dahil naabutan ng baha.). Kakaibag tuwa at pagkamangha ang aking naramdaman. Naisip ko, Naku, may mangyayaring maganda. 

Pero bukod riyan, naisp ko ang pag-asa na hatid ng Goldfish. Kahit na anumang unos na dumating ay may sisilay na ligaya at panibagong pagkakataon para sa mga nagnanais magkaroon nito. Basta't handa lang tayong harapin ang anumang dumating sa ating buhay. Handa lang tayong lumangoy, lumangoy at hanapin ang bagay na makakapagbigay sa atin ng higit na ligaya.

===+===

September 28, 2011
Fiesta ni Mang Enzo na taga-Maynila

Naggising ako, 4:30 AM. Kahit papaano'y bumaba na ang tubig sa mga kuwarto. Isa itong magandang senyales: pwede nang maglinis.

Isa-isa nang inilabas ang lahat ng gamit: mga basang damit, mga basang papeles, mga basura at putik na nanuot sa ilalim ng mga kama na basa pa rin, at iba pang mga ebidensya ng pagsalanta ng bagyo sa aming bahay. Sa hudyat ng bibig ng mommy kong mahal, gumayak kami upang linisin ang mga kuwarto.

Linis, linis, linis. Lahat ng dumi ay napunta sa salas (na may tubig-baha pa rin), pero ang mahalaga'y malinis na ang mga kuwarto upang mapatuyuan ito. Kahit na may iniwang alaala ang bagyo sa aking katauhan, lalo na sa aking mga paa, pilit pa rin akong kumilos upang maibalik sa dati ang bahay.

Akala ko'y wala nang susunod sa goldfish na nakita ko kahapon; yun pala ay may susunod pa doon! Habang ako ay patuloy sa paglilinis, lumapit sa akin ang aking daddy at nagsabi...

Weldann, iyung sutana mo nasa mga marurumi. Kunin mo na nga.

Matagal na akong wala sa MAS, kaya ikinagulat ko ang sinabing iyun ng tatay ko. Nang lumabas ako para kunin ang sutanang sinasabi niya, nagulat ako nang makita ko ang aking alba na nawawala na ng higit isang taon! Nangungutim man dahil sa baha, mababanaag pa rin dito ang matagal na panahon ng aking paglilingkod. Tuwang-tuwa ako sa pagbabalik sa akin ng aking 'vestment,' para akong nagkaroon ng panibagong lakas at inspirasyon. Patuloy ang paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan, sabi ko sa sarili ko.

Natapos na ako ng paglilinis ilang minuto bago mag-hatinggabi. Pinilit na ako ng mommy ko na wag ipagpabukas ang gawain. Ayaw mo nun, mapapahinga ka ng husto. Kaya kahit na masakit na ang katawan, tinuloy at tinapos ko na ang aking ginagawa.

Muli na rin akong nakatulog sa aking kuwarto makalipas ng isang araw na baha at kawalan. Totoo nga, sa kabila ng lahat ng ulan at baha na aking nasagap sa nakalipas na mga araw, may mga bagay pa rin na humihigit sa lahat: ang pag-asa sa gitna ng pagsubok, at ang masigasig na paglilingkod sa Panginoon. Dito sa mga bagay na ito nagiging matatag ako, dito nasusukat kung hanggang saan ang aking katapatan sa Diyos. Dito ko nakita na wala nang hihigit pa sa Panginoon na nagbibigay ng parusa sa mga suwail at gantimpala sa lahat ng tapat.

Ito rin ang nag-udyok sa akin na magpasalamat at dumulog sa kanyang harapan. Kailangan ko na ngang puntahan ang aking Nanay. Sa kanya ko ipapadaan ang  aking mga hibik at dalangin.

Itutuloy....

Saturday, October 01, 2011

VIVA LA VIRGEN! VIVA OCTUBRE!

We are now in the Month of October, the second month of the Ber Quartet. This month in the Christian world is considered as the month dedicated to the Most Holy Rosary. Remembering the past events which occurred through the intercession of the Holy Mother of God, we can always be assured that she will intervene through our every need and neccesity. 

I entrust this month to the Holy Mother of God, Queen of the Holy Rosary, La Naval de Manila, in sincere gratitude for all the graces she bestowed upon me by the recitation of the Holy Rosary. I vow to recite the Rosary throughout the month, and to visit her shrine on October 09.

I felt her presence throughout the year, so I return the gratitude. VIVA LA VIRGEN!!!