(Baka isipin mong tinataboy kita, pero para mas maganda ang kwentuhan, bisitahin mo muna ang unang dalawang post ng seryeng ito: PART ONE at PART TWO. Click ninyo lang ang mga link para madala kayo doon. Pero kung gusto ninyo talagang magsimula dito.... hmm, sige na nga!!! )
===+===
Isang taon na ang lumipas nang una akong makarating sa Santo Domingo at maging bahagi ng Fiesta ng La Naval. Noon ko unang nakita si Nanay, at aaminin kong na-in-love ako agad sa kanya. May luha ng kagalakan sa mata, nag-iwan ako ng pangako na babalikan ko siya sa susunod na taon. Sariwang-sariwa pa sa alala ko ang gabing iyon. Mistulang kahapon lamang, hinintay kong dumating ang araw na iyun sa kabila ng kaabalahan at mga pagsubok na dumating sa buhay ko sa mga araw, linggo at buwan na dumaan.
Sa kanyang pamamagitan (naniniwala ako doon), nagkaroon ako ng mga mababait at nakaka-challenge na estudyante. Nakabangon ako mula sa mga abo ng pagkabagsak sa pag-aaral. Nanumbalik ang dating samahan ng aking minamahal na Kura, at nakabalik ako sa dati kong posisyon sa Konseho Pastoral. Ngunit higit sa lahat, napalapit at napamahal ako sa aking Mommy na tunay na nagbibigay sa akin ng aking mga pangangailangan sa kabila ng aking kahinaan at pagkakamali sa kanya.
Pero ang pinakamatindi sa lahat ay ang kanyang pagpaparamdam ng pagmamahal at suporta lalo na sa mga sandali ng aking kahinaan, noong manakaw ang aking wallet ng dalawang beses, noong bumayo si Pedring ng matindihan at halos maligo ang buong bahay namin, noong mahiwa ang aking kaliwang palad na sa kabutihang palad ay nagagalaw ko pa rin ngayon, noong may mga taong hindi makaintindi sa aking mga nais ipahayag, at lalo na noong ma-realize kong panahon nang tumayo ako mula sa aking sekswal na kahinaan.
Tulad nga ng isang Ina, pinaramdam ni Maria sa akin na basta para sa aking ikakalago ay nandiyan siya at di ako pababayaan. Dahil dito ay lalong nadagdagan ang dahilan para dumayo sa kabila ng malakas na ulan at magpasalamat sa kanya ng personal sa lahat ng biyaya na kanyang ipinagkaloob. Kahit na anong mangyari, pupunta ako doon at ipaparamdam ko ang aking pagmamahal at pagpapasalamat sa kanya.
October 09, 2011
FIESTA NI NANAY
Dumating na nga ang araw na pinakahihintay. Tatlong oras lang ang tulog ko mula noong gabi ng Sabado, talagang ramdam ko ang excitement dahil sa wakas ay makakarating na ulit ako sa kanyang dambana. Nakatatak pa rin sa isip ko ang alaala ng Besamanto noong October 01, kaya talagang expected na na magiging masaya ang araw na ito para sa akin. Pagbibigyan naman ako ni Nanay na makita siya at masaksihan first-hand ang lahat ng magaganap sa araw na ito.
6:00 AM: Ang Simula
Naisipan ko nang dumalo ng Misa sa sarili kong parokya. Iniisip ko, wala akong dadalhing camera papuntang SDC, lalo na't nangyari iyung pag-snatch ng wallet ko noong isang Sabado. Subalit habang nagkokomunyon ay nilapitan ko ang aking kaibigang Greeter and Collector at nakiusap na manghiram ng camera. Sinabi niyang oo, at doon ako nagising sa ulirat. Teka, ano ulit yung sinabi ko?
Tila ba kinakabahan, pinagdasal ko na sana'y walang mangyaring masama sa akin at sa hihiramin kong camera mamaya. Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama, naiuwi ko ang camera ng maayos at ngayo'y maibabahagi ko sa inyo ang mga litratong kuha sa Fiesta ng La Naval.
7:30 AM: Ang aking mga Anak
Nag-text sa akin ang estudyante ko: Sir, saan ka na? Nandito na kami sa Hulo!
Naalala ko, may practice pala kami ng mga estudyante ko para sa play nila. Sinundo ko sila at nagsimula na agad sa pagpa-practice. Mahalaga ang oras sa araw na ito, kung nais kong makapunta sa SDC ng maaga, dapat ay umalis ako ng maaga rin.
Di man ako nakuntento sa aking mga nakita, masaya pa rin ako at nakapagbahagi ako ng kaunting kaalaman sa mga batang ito na nais na nais makapag-present ng isang magandang role play sa kanilang eskwelahan.
(Di ko man direktang pinagdasal ang maging champion sa play, pinagdasal ko pa rin ang section na ito kay Nanay. Kinabukasan, sa kabila ng mga problemang sumalubong sa akin, nakuha pa rin nila ang pinakamataas na grado. Isa sa mga milagrong pinagpapasalamat ko kay Nanay.)
12:00 NN
Nakuha ko na ang camera, at handa na ang sarili. Umalis na ako ng bahay para pumunta sa Santo Domingo. Sa palagay ko nama'y umaayon sa akin ang oras.
12:55 PM
Nakarating ako ng Recto, sa lugar na paghihintayan ko kay Erwin. Sinabi niyang malakas ang ulan sa lugar nila at mahirap makasakay; gayunpaman ay nagtitiwala akong makakarating siya ng matiwasay... at maaga.
1:45 PM: SI ERWIN
Isang oras na halos ang lumipas, subalit wala pa rin siya! Tumindi ang aking pagdarasal, pati na ang pagte-text sa nanay niya (wala kasi siyang CP)
'Nay, wala pa si Erwin!'
'Darating iyan, anak. Maghintay ka lang...'
Subalit parang may bumubulong na sa aking umalis na ng Recto papuntang Santo Domingo. Kung sa bagay, magiging super-late na ako kung hihintayin ko pa siya ng lagpas alas-dos. Kaya nagsimula na akong maglakad paalis ng lugar na iyun at papunta sa Quezon Blvd. Samantalang naglalakad, may nakasalubong akong isang lalaking naka-sumbrero na pamilyar sa akin ang mukha.
Sa hindi ko malamang emosyon, hinampas ko ang tuhod niya ng payong sabay sigaw, Bilisan mo na! Habang naglalakad ako paalis, napa-antanda ako ng Krus at nagpasalamat para sa kanyang pagdating.
'Tito Welds, baka galit ka... Sorry naman, sobrang heavy ang traffic eh!'
'Kanina, galit ako, pero ngayon ok na kasi andito ka na. Tara na!'
Isa lang ang malinaw, kailangan nang magmadali papunta doon.
2:25 PM: SI MICO, ANG T-SHIRT AT ANG PWESTO SA SIMBAHAN
Nakarating na kami sa Banawe kung saan nilakad na namin ang daan papuntang SDC. Subalit ang sumalubong sa amin pagbaba ng jeep ay ang abot-gutter na baha. Buti na lang ay maliksi si Erwin at nakakita siya ng madaling daanan sa gilid.
Sa pagpasok namin sa simbahan, agad ko hinanap ang nais kong bilhin na T-shirt. Ayon kay Mico (na isa rng deboto ng La Naval at matalik kong kaibigan) ay wala nang stock ng T-shirt na iyun at mabuti pang maghanap ng ibang design. Akalain mo, sa una kong paghahanap ay agad kong nakita ang design na hinahanap ko!
'Akala ko po, wala na nito design ng T-shirt?'
'Hinabol po, marami po kasing naghanap eh...'
Pagkatapos makapamili, naglibot na kami upang makakuha ng litrato ng mga kasama sa prusisyon, at sa loob ng simbahan, ng isang litrato ni Nanay. Gulat na gulat ako nang makita kong hindi pa napupuno ang mga upuan sa simbahan. Tumawag sa akin si Mico...
(Pinagmamalaki ko pong ibahagi na ang lahat ng mga litratong kuha ng inyong lingkod ay nai-feature sa blogsite ng kilalang Apologetics and Mariology guru, si Bro. Marwil Llasos, OP.)
Sa pagtanggap ko ng komunyon, biglang may luhang tumulo mula sa aking mga mata. Mistulan bang luha ng pagpapasalamat ang tumulo mula sa akin sa lahat ng biyayang pinakaloob at patuloy niyang pinagkakaloob sa akin. Bukod pa rito, ramdam ko ang kabanalan ng pagdiriwang sa araw na ito na hindi ko nararamdaman madalas. Aaminin ko, dito sa simbahang ito naramdaman ko ang tunay na kabanalan at kasagraduhan ng liturhiya.
3:45 PM: ANG MILAGRO NG ULAN
Patapos na ang Misa. Ilang minuto na lang magsisimula na ang prusisyon. Muling umulan ng malakas. Kinausap ako ni Erwin...
'Sir, paano ba yan? Makikiprusisyon ba tayo eh ang lakas ng ulan?'
'Hindi na, mawawalan tayo ng lugar dito. Pero kung yung ulan, sabi kasi kapag daw lumalabas ang Birhen, di daw umuulan. Tignan natin ngayon kung magkakatotoo'
Kinausap na rin kami ng babaeng katabi namin, 'Hindi uulan iyan. Kung itutuloy man ang prusisyon na malakas ang ulan, e di lalagyan ng plastic si Mama Mary. Pero sa totoo lang, ilang taon na kaming sumasama sa prusisyon pero hindi umuulan. Mawawala iyan, sigurado.'
Natapos na ang Misa, ngunit tuloy pa rin sa pag-ulan sa labas. Nag-aalala na ang lahat. Biglang may nagsalita mula sa harapan,
'Magkakaroon po ng kaunting pagbabago sa ating Prusisyon. Magdarasal po muna tayo ng Santo Rosario.'
Inaya ang lahat na magsiluhod at magdasal. Habang nagdarasal kami, tumitingin rin ako sa labas, at baka sakaling magkatotoo nga ang sinabi nila. Aba! Bigla ngang humina ang ulan, naging ambon na lang! Natuwa ako sa sandaling iyon at nasabi ko sa sarili ko, Totoo nga! Hindi papayag si Nanay na mabasa siya at ang lahat ng sasama sa kanya!
Pero sandali lang pala iyun, sapagkat nang ilabas ang unang mga santo sa prusisyon, umulan ulit ng malakas. Hindi ko alam kung ano ang magiging emosyon; hinayaan ko lang ang sarili ko na magmasid sa paligid kung ano ang mangyayari.
Malapit nang ilabas ang Birhen. Napatingin ulit ako sa labas, at mistulan bang milagro, tumila na pala ang ulan! at hindi lang iyan, nang napatingin ako sa itaas, mainit na mainit ang sikat ng araw! Hindi ako nakapaniwala sa aking mga nakita, subalit alam ko na ang kahulugan nito, malapit na kasing lumabas si Nanay.
'Mga kapatid, nandito na siya! ANG MAHAL NA BIRHEN NG SANTO ROSARIO, LA NAVAL DE MANILA!!!'
Lumabas na ang mga estandarte ng mga Misteryo ng Santo Rosaryo. Tumayo na ang lahat at inilabas na ang kanilang mga panyo upang magpugay sa papalabas na Reyna. Ilang sandali pa ay gumalaw na ang karosa ng Mahal na Birhen mula sa Altar papalabas ng Santo Domingo. Di ko mapigilan ang ngiti sa aking labi, samantalang si Erwin ang umaasikaso ng pagkuha ng mga litrato. Tunay nga na nakakagalaw ng diwa ang pangyayaring ito! Para sa aking first-time na makita ang selebrayong ito, tunay na nakakapagdala ng saya sa damdamin ang makita si Nanay na dinarangal sa ganitong pamamaraan.
Tulad nga ng napag-usapan, hindi na kami nakipag-prusisyon. Naghintay na lang kami sa simbahan upang manalangin at maglibot muna. Kasama ang ka-admin ko sa Ave Maria! na si Kuya Earl (naging busy na kasi si Mico sa pagkuha ng litrato sa prusisyon), kumain muna kami kahit kaunti upang magkaroon ng dagdag na lakas sa mga susunod na magaganap. Nakapaghanap na rin kami ng maganda-gandang puwesto malapit sa altar ng simbahan para sa pagbabalik kay Nanay sa Baldachino.
6:20 PM: SI NANAY
'AVE! VIVA, VIRGEN DE LA NAVAL!!!'
Muli nang nagsitayuan ang mga tao. Matinding hiyawan at palakpakan. May ngiti sa labi at luha sa mata, sinalubong ng lahat ang pagbabalik ng kanilang Reyna at Senyora, si Maria ng Santo Rosario. Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili. Inalis ko na ang hiya at nakisigaw na ng AVE! at VIVA! kasama ng karamihan. Kahit na tawagin ninyo akong unli, hindi pa rin nagbabago ang saya sa pakiramdam samantalang nasasaksihan ko ang mga nagaganap. Tunay na nakakapanindig-balahibo, tunay na nakakaangat ng diwa.
Mas lalo na noong muli siyang iangat sa Baldachino at awitan na siya ng Ynvocacion at Despedida. Ramdam talaga ang init ng pagmamahal at pagbuhos ng pasasalamat at kahilingan sa Mahal na Ina na patuloy na nagiging sandigan at tanda ng pagmamahal sa lahat ng lumalapit sa kanya. Umalis ang lahat na taglay ang kasiyahan sa puso at mga kinuhang bulaklak sa kamay, nalalamang nakaganap na naman sila ng isang taon na magparangal kay Nanay. Alam ko namang hindi na ako makakakuha ng mga bulaklak sa mga karo, kaya ang pinagtuunan ko ay ang mga petal ng Rosas na hinulog mula sa itaas ng smbahan patungo sa karo ng Mahal na Birhen, na siya ngayong nakalagay sa isang basito sa aking altar sa bahay. Ito ang magsisilbing banal na souvenir sa pangyayaring ito, nangunguna sa bookmark, poster at T-shirt.
Kung tatanungin kung ano ang aking mga pinagdasal kay Nanay, hindi na iyun mahalaga. Kami na ni Nanay ang nakakaalam ng aking pinagkatiwalang mga panalangin sa kanya. Umaasa ako na patuloy niya akong diringgin, gagabayan at susuportahan sa bawat sandali ng aking buhay. Alam ko, hindi niya ako pababayaan. Ako, ang aking pamilya, at ang lahat ng taong malapit sa buhay ko,silang lahat ay ipinagkatiwala ko rin kay Nanay, na kung paanong pinapatnubayan niya ao ay gayun din ang gawin sa kanilang lahat. Kasama na rin diyan ang pagpapasalamat sa lahat ng biyaya, paggabay at pagtulong na binigay niya sa akin sa nakalias na panahon. Basta punung-puno ang puso ko ng mga panalangin na para bang dam na ibinuhos kong lahat sa kanya,
Muli kong pinagtibay ang aking pangako kay Nanay, na muli ko siyang bibisitahin sa susunod na taon upang muling tumanaw ng pasasalamat sa mga biyayang kanya siguradong ipagkakaloob sa akin sa darating na panahon. Bukod pa riyan, kung noong isang taon ay sapat nang makita ang Mahal na Ina at mapag-alayan siya ng pagmamahal (palibhasa ay first time ko lang talaga siyang makita), pinangako ko na rin na tunay na makikiisa sa Nobenaryo at Fiesta sa abot ng aking makakaya. Kung paano, hahayaan ko na ang Kalooban ng Diyos na gumanap rito. Gayun din ang naging desisyon ni Erwin, na simula sa susunod na taon ay makakasama ko na rin sa pagpaparangal sa Ina ng Diyos.
Sabi ng iba, sobrang pagpaparangal na raw ito sa isang imahen. Hindi karapat-dapat para sa Mahal na Birhen dahil sa sobrang karangyaan nito. Pero sa isang tunay na mananampalataya, hindi mo titignan ang imahen o ang rangya o ang halaga ng pera na nagasta sa pagdiriwang. Ang mahalaga ay ang mismong pagpaparangal sa Mahal na Ina ng Diyos at ang pag-alala sa mga bagay na ginawa niya sa bawat taong naroon at sa buong bansa sa kabuuan. Hindi ito maintindihan ng ilan subalit sa taong nagmamahal kay Nanay, walang paliwanag ang kinakailangan, sapat sa kanyang pagkakaintindi ay ito nga ang kanilang hamak na magagawa upang magpasalamat sa Mahal na Ina dahil sa lahat ng kanyang ginawa.
Tila ba nakiisa ang kalangitan sa pangyayaring ito, mula noong ilabas ang Mahal na Birhen hanggang sa makabalik sa simbahan kinagabihan ay walang ulan na tumulo sa lugar namin. Sa katunayan, sa paglabas namin ng SDC pauwi, ay umaambon na ulit, at sa pag-uwi ko sa Navotas ay umuulan ng sobrang lakas. Sa buong maghapon, ramdam ko ang sungit ng panahon, liban na lang noong lumabas na ang La Naval. Sino'ng hindi makakapagsabi na MILAGRO ang nangyaring ito?
Pero para sa akin, ang pinakamatinding milagro ay dalawa: ang muli siyang masilayan makalipas ng isang taon, at ang makapagdala pa ng isang kapatid patungo sa kanya. Ok lang para sa akin na ako ang magsakripisyo ng kaunting halaga para makapag-akay ng kaluluwa patungo kay Hesus. Ang mahalaga ay maipakilala ko pang lalo si Nanay kay Erwin. Ngayon, hindi na lang teacher-student ang samahan namin, kundi magkapatid na, salamat kay Nanay, ang Reyna ng La Naval!
Hinding-hindi ko malilimutan ang mga sandaling ito sa tanang buhay ko. Marami pang darating na Fiesta ng La Naval sa susunod na panahon, subalit wala nang makakapagbura ng alaalang ito na tinatak na mismo ni Nanay sa aking isip at puso. Isang alaala na magpapatunay ng kanyang pagmamahal at pagkalinga sa akin sa kabila ng aking kahinaan, pagkakamali at kalungkutan.
Salamat, Nanay, sa lahat-lahat ng inyong ibinigay sa akin at sa mga taong malapit sa akin! Salamat sa mga pagkakataong pinakita mo na iba kang kumalinga kesa sa kanino pa man. Patuloy man akong mapalayo ng landas, subalit patuloy ka pa ring nandiyan para ibalik ako sa daan ng kabanalan. Ito lamang ang aking dasal, Nanay: Ipahintulot mong ako ay lalo't lalong matulad sa iyong Anak. Ipahintulot mo na kung nasa kalooban ni Hesus ay mapagkaloob ang aking mga kahilingan. Sa huli, Nanay, sa iyo ko ipinapaubaya ang aking hamak na buhay. Ikaw na nga, DaBhezt ka!
HANGGANG SA SUSUNOD NA TAON...
Mga Pahabol:
Mula sa blog ni Bro. Marwil Llasos, OP:
http://bromarwilnllasos.blogspot.com/2011/10/la-naval-procession-2011_10.html
Ang Photo Album ko sa Facebook na naglalaman ng alaala ng La Naval 2011:
http://www.facebook.com/media/set/?set=a.291980754146712.79340.100000043683462&type=3
===+===
Ang unang pagbisita sa La Naval, 10.10.10 |
Sa kanyang pamamagitan (naniniwala ako doon), nagkaroon ako ng mga mababait at nakaka-challenge na estudyante. Nakabangon ako mula sa mga abo ng pagkabagsak sa pag-aaral. Nanumbalik ang dating samahan ng aking minamahal na Kura, at nakabalik ako sa dati kong posisyon sa Konseho Pastoral. Ngunit higit sa lahat, napalapit at napamahal ako sa aking Mommy na tunay na nagbibigay sa akin ng aking mga pangangailangan sa kabila ng aking kahinaan at pagkakamali sa kanya.
Pero ang pinakamatindi sa lahat ay ang kanyang pagpaparamdam ng pagmamahal at suporta lalo na sa mga sandali ng aking kahinaan, noong manakaw ang aking wallet ng dalawang beses, noong bumayo si Pedring ng matindihan at halos maligo ang buong bahay namin, noong mahiwa ang aking kaliwang palad na sa kabutihang palad ay nagagalaw ko pa rin ngayon, noong may mga taong hindi makaintindi sa aking mga nais ipahayag, at lalo na noong ma-realize kong panahon nang tumayo ako mula sa aking sekswal na kahinaan.
Tulad nga ng isang Ina, pinaramdam ni Maria sa akin na basta para sa aking ikakalago ay nandiyan siya at di ako pababayaan. Dahil dito ay lalong nadagdagan ang dahilan para dumayo sa kabila ng malakas na ulan at magpasalamat sa kanya ng personal sa lahat ng biyaya na kanyang ipinagkaloob. Kahit na anong mangyari, pupunta ako doon at ipaparamdam ko ang aking pagmamahal at pagpapasalamat sa kanya.
October 09, 2011
FIESTA NI NANAY
Dumating na nga ang araw na pinakahihintay. Tatlong oras lang ang tulog ko mula noong gabi ng Sabado, talagang ramdam ko ang excitement dahil sa wakas ay makakarating na ulit ako sa kanyang dambana. Nakatatak pa rin sa isip ko ang alaala ng Besamanto noong October 01, kaya talagang expected na na magiging masaya ang araw na ito para sa akin. Pagbibigyan naman ako ni Nanay na makita siya at masaksihan first-hand ang lahat ng magaganap sa araw na ito.
6:00 AM: Ang Simula
Naisipan ko nang dumalo ng Misa sa sarili kong parokya. Iniisip ko, wala akong dadalhing camera papuntang SDC, lalo na't nangyari iyung pag-snatch ng wallet ko noong isang Sabado. Subalit habang nagkokomunyon ay nilapitan ko ang aking kaibigang Greeter and Collector at nakiusap na manghiram ng camera. Sinabi niyang oo, at doon ako nagising sa ulirat. Teka, ano ulit yung sinabi ko?
Tila ba kinakabahan, pinagdasal ko na sana'y walang mangyaring masama sa akin at sa hihiramin kong camera mamaya. Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama, naiuwi ko ang camera ng maayos at ngayo'y maibabahagi ko sa inyo ang mga litratong kuha sa Fiesta ng La Naval.
7:30 AM: Ang aking mga Anak
Nag-text sa akin ang estudyante ko: Sir, saan ka na? Nandito na kami sa Hulo!
Naalala ko, may practice pala kami ng mga estudyante ko para sa play nila. Sinundo ko sila at nagsimula na agad sa pagpa-practice. Mahalaga ang oras sa araw na ito, kung nais kong makapunta sa SDC ng maaga, dapat ay umalis ako ng maaga rin.
Di man ako nakuntento sa aking mga nakita, masaya pa rin ako at nakapagbahagi ako ng kaunting kaalaman sa mga batang ito na nais na nais makapag-present ng isang magandang role play sa kanilang eskwelahan.
(Di ko man direktang pinagdasal ang maging champion sa play, pinagdasal ko pa rin ang section na ito kay Nanay. Kinabukasan, sa kabila ng mga problemang sumalubong sa akin, nakuha pa rin nila ang pinakamataas na grado. Isa sa mga milagrong pinagpapasalamat ko kay Nanay.)
12:00 NN
Nakuha ko na ang camera, at handa na ang sarili. Umalis na ako ng bahay para pumunta sa Santo Domingo. Sa palagay ko nama'y umaayon sa akin ang oras.
12:55 PM
Nakarating ako ng Recto, sa lugar na paghihintayan ko kay Erwin. Sinabi niyang malakas ang ulan sa lugar nila at mahirap makasakay; gayunpaman ay nagtitiwala akong makakarating siya ng matiwasay... at maaga.
1:45 PM: SI ERWIN
Isang oras na halos ang lumipas, subalit wala pa rin siya! Tumindi ang aking pagdarasal, pati na ang pagte-text sa nanay niya (wala kasi siyang CP)
'Nay, wala pa si Erwin!'
'Darating iyan, anak. Maghintay ka lang...'
Subalit parang may bumubulong na sa aking umalis na ng Recto papuntang Santo Domingo. Kung sa bagay, magiging super-late na ako kung hihintayin ko pa siya ng lagpas alas-dos. Kaya nagsimula na akong maglakad paalis ng lugar na iyun at papunta sa Quezon Blvd. Samantalang naglalakad, may nakasalubong akong isang lalaking naka-sumbrero na pamilyar sa akin ang mukha.
Sa hindi ko malamang emosyon, hinampas ko ang tuhod niya ng payong sabay sigaw, Bilisan mo na! Habang naglalakad ako paalis, napa-antanda ako ng Krus at nagpasalamat para sa kanyang pagdating.
'Tito Welds, baka galit ka... Sorry naman, sobrang heavy ang traffic eh!'
'Kanina, galit ako, pero ngayon ok na kasi andito ka na. Tara na!'
Isa lang ang malinaw, kailangan nang magmadali papunta doon.
2:25 PM: SI MICO, ANG T-SHIRT AT ANG PWESTO SA SIMBAHAN
Nakarating na kami sa Banawe kung saan nilakad na namin ang daan papuntang SDC. Subalit ang sumalubong sa amin pagbaba ng jeep ay ang abot-gutter na baha. Buti na lang ay maliksi si Erwin at nakakita siya ng madaling daanan sa gilid.
Sa pagpasok namin sa simbahan, agad ko hinanap ang nais kong bilhin na T-shirt. Ayon kay Mico (na isa rng deboto ng La Naval at matalik kong kaibigan) ay wala nang stock ng T-shirt na iyun at mabuti pang maghanap ng ibang design. Akalain mo, sa una kong paghahanap ay agad kong nakita ang design na hinahanap ko!
'Akala ko po, wala na nito design ng T-shirt?'
'Hinabol po, marami po kasing naghanap eh...'
Pagkatapos makapamili, naglibot na kami upang makakuha ng litrato ng mga kasama sa prusisyon, at sa loob ng simbahan, ng isang litrato ni Nanay. Gulat na gulat ako nang makita kong hindi pa napupuno ang mga upuan sa simbahan. Tumawag sa akin si Mico...
'Kuya Weldann, where are you? I reserved seats for you. '
Naupo kami sa pwesto kung saan, malayo man, ay malinaw pa rin naming makikita ang kaganapan sa may Altar ng simbahan, lalo na ang Banal na Misa.
Isa ring deboto ng La Naval, may bahagi rin si Mico ng mga himalang ginanap ni Nanay sa kanyang mga deboto. Masaya ako na isa ako sa kanyang mga nakausap at napaghabilinan ng mga milagrong ito. Sa kanya ko rin kinuwento ng may higit na detalye ang lahat ng mga karanasan ko, kaya masasabi kong magkapatid na rin kami dahil kay Nanay.

Courtesy of Mico Pacheco |
3:45 PM: ANG MILAGRO NG ULAN
Patapos na ang Misa. Ilang minuto na lang magsisimula na ang prusisyon. Muling umulan ng malakas. Kinausap ako ni Erwin...
'Sir, paano ba yan? Makikiprusisyon ba tayo eh ang lakas ng ulan?'
'Hindi na, mawawalan tayo ng lugar dito. Pero kung yung ulan, sabi kasi kapag daw lumalabas ang Birhen, di daw umuulan. Tignan natin ngayon kung magkakatotoo'
Kinausap na rin kami ng babaeng katabi namin, 'Hindi uulan iyan. Kung itutuloy man ang prusisyon na malakas ang ulan, e di lalagyan ng plastic si Mama Mary. Pero sa totoo lang, ilang taon na kaming sumasama sa prusisyon pero hindi umuulan. Mawawala iyan, sigurado.'
Natapos na ang Misa, ngunit tuloy pa rin sa pag-ulan sa labas. Nag-aalala na ang lahat. Biglang may nagsalita mula sa harapan,
'Magkakaroon po ng kaunting pagbabago sa ating Prusisyon. Magdarasal po muna tayo ng Santo Rosario.'
Inaya ang lahat na magsiluhod at magdasal. Habang nagdarasal kami, tumitingin rin ako sa labas, at baka sakaling magkatotoo nga ang sinabi nila. Aba! Bigla ngang humina ang ulan, naging ambon na lang! Natuwa ako sa sandaling iyon at nasabi ko sa sarili ko, Totoo nga! Hindi papayag si Nanay na mabasa siya at ang lahat ng sasama sa kanya!
Pero sandali lang pala iyun, sapagkat nang ilabas ang unang mga santo sa prusisyon, umulan ulit ng malakas. Hindi ko alam kung ano ang magiging emosyon; hinayaan ko lang ang sarili ko na magmasid sa paligid kung ano ang mangyayari.
Malapit nang ilabas ang Birhen. Napatingin ulit ako sa labas, at mistulan bang milagro, tumila na pala ang ulan! at hindi lang iyan, nang napatingin ako sa itaas, mainit na mainit ang sikat ng araw! Hindi ako nakapaniwala sa aking mga nakita, subalit alam ko na ang kahulugan nito, malapit na kasing lumabas si Nanay.
'Mga kapatid, nandito na siya! ANG MAHAL NA BIRHEN NG SANTO ROSARIO, LA NAVAL DE MANILA!!!'
Tulad nga ng napag-usapan, hindi na kami nakipag-prusisyon. Naghintay na lang kami sa simbahan upang manalangin at maglibot muna. Kasama ang ka-admin ko sa Ave Maria! na si Kuya Earl (naging busy na kasi si Mico sa pagkuha ng litrato sa prusisyon), kumain muna kami kahit kaunti upang magkaroon ng dagdag na lakas sa mga susunod na magaganap. Nakapaghanap na rin kami ng maganda-gandang puwesto malapit sa altar ng simbahan para sa pagbabalik kay Nanay sa Baldachino.
6:20 PM: SI NANAY
'AVE! VIVA, VIRGEN DE LA NAVAL!!!'
Muli nang nagsitayuan ang mga tao. Matinding hiyawan at palakpakan. May ngiti sa labi at luha sa mata, sinalubong ng lahat ang pagbabalik ng kanilang Reyna at Senyora, si Maria ng Santo Rosario. Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili. Inalis ko na ang hiya at nakisigaw na ng AVE! at VIVA! kasama ng karamihan. Kahit na tawagin ninyo akong unli, hindi pa rin nagbabago ang saya sa pakiramdam samantalang nasasaksihan ko ang mga nagaganap. Tunay na nakakapanindig-balahibo, tunay na nakakaangat ng diwa.
Courtesy of Mico Pacheco |
Kung tatanungin kung ano ang aking mga pinagdasal kay Nanay, hindi na iyun mahalaga. Kami na ni Nanay ang nakakaalam ng aking pinagkatiwalang mga panalangin sa kanya. Umaasa ako na patuloy niya akong diringgin, gagabayan at susuportahan sa bawat sandali ng aking buhay. Alam ko, hindi niya ako pababayaan. Ako, ang aking pamilya, at ang lahat ng taong malapit sa buhay ko,silang lahat ay ipinagkatiwala ko rin kay Nanay, na kung paanong pinapatnubayan niya ao ay gayun din ang gawin sa kanilang lahat. Kasama na rin diyan ang pagpapasalamat sa lahat ng biyaya, paggabay at pagtulong na binigay niya sa akin sa nakalias na panahon. Basta punung-puno ang puso ko ng mga panalangin na para bang dam na ibinuhos kong lahat sa kanya,
Muli kong pinagtibay ang aking pangako kay Nanay, na muli ko siyang bibisitahin sa susunod na taon upang muling tumanaw ng pasasalamat sa mga biyayang kanya siguradong ipagkakaloob sa akin sa darating na panahon. Bukod pa riyan, kung noong isang taon ay sapat nang makita ang Mahal na Ina at mapag-alayan siya ng pagmamahal (palibhasa ay first time ko lang talaga siyang makita), pinangako ko na rin na tunay na makikiisa sa Nobenaryo at Fiesta sa abot ng aking makakaya. Kung paano, hahayaan ko na ang Kalooban ng Diyos na gumanap rito. Gayun din ang naging desisyon ni Erwin, na simula sa susunod na taon ay makakasama ko na rin sa pagpaparangal sa Ina ng Diyos.
Sabi ng iba, sobrang pagpaparangal na raw ito sa isang imahen. Hindi karapat-dapat para sa Mahal na Birhen dahil sa sobrang karangyaan nito. Pero sa isang tunay na mananampalataya, hindi mo titignan ang imahen o ang rangya o ang halaga ng pera na nagasta sa pagdiriwang. Ang mahalaga ay ang mismong pagpaparangal sa Mahal na Ina ng Diyos at ang pag-alala sa mga bagay na ginawa niya sa bawat taong naroon at sa buong bansa sa kabuuan. Hindi ito maintindihan ng ilan subalit sa taong nagmamahal kay Nanay, walang paliwanag ang kinakailangan, sapat sa kanyang pagkakaintindi ay ito nga ang kanilang hamak na magagawa upang magpasalamat sa Mahal na Ina dahil sa lahat ng kanyang ginawa.
Tila ba nakiisa ang kalangitan sa pangyayaring ito, mula noong ilabas ang Mahal na Birhen hanggang sa makabalik sa simbahan kinagabihan ay walang ulan na tumulo sa lugar namin. Sa katunayan, sa paglabas namin ng SDC pauwi, ay umaambon na ulit, at sa pag-uwi ko sa Navotas ay umuulan ng sobrang lakas. Sa buong maghapon, ramdam ko ang sungit ng panahon, liban na lang noong lumabas na ang La Naval. Sino'ng hindi makakapagsabi na MILAGRO ang nangyaring ito?
Pero para sa akin, ang pinakamatinding milagro ay dalawa: ang muli siyang masilayan makalipas ng isang taon, at ang makapagdala pa ng isang kapatid patungo sa kanya. Ok lang para sa akin na ako ang magsakripisyo ng kaunting halaga para makapag-akay ng kaluluwa patungo kay Hesus. Ang mahalaga ay maipakilala ko pang lalo si Nanay kay Erwin. Ngayon, hindi na lang teacher-student ang samahan namin, kundi magkapatid na, salamat kay Nanay, ang Reyna ng La Naval!
Hinding-hindi ko malilimutan ang mga sandaling ito sa tanang buhay ko. Marami pang darating na Fiesta ng La Naval sa susunod na panahon, subalit wala nang makakapagbura ng alaalang ito na tinatak na mismo ni Nanay sa aking isip at puso. Isang alaala na magpapatunay ng kanyang pagmamahal at pagkalinga sa akin sa kabila ng aking kahinaan, pagkakamali at kalungkutan.
Salamat, Nanay, sa lahat-lahat ng inyong ibinigay sa akin at sa mga taong malapit sa akin! Salamat sa mga pagkakataong pinakita mo na iba kang kumalinga kesa sa kanino pa man. Patuloy man akong mapalayo ng landas, subalit patuloy ka pa ring nandiyan para ibalik ako sa daan ng kabanalan. Ito lamang ang aking dasal, Nanay: Ipahintulot mong ako ay lalo't lalong matulad sa iyong Anak. Ipahintulot mo na kung nasa kalooban ni Hesus ay mapagkaloob ang aking mga kahilingan. Sa huli, Nanay, sa iyo ko ipinapaubaya ang aking hamak na buhay. Ikaw na nga, DaBhezt ka!
HANGGANG SA SUSUNOD NA TAON...
¡VIVA, VIRGEN DE LA NAVAL!
¡VIVA, LA GRAN SEÑORA DE LAS ISLAS FILIPINAS!
===AVE===
Mula sa blog ni Bro. Marwil Llasos, OP:
http://bromarwilnllasos.blogspot.com/2011/10/la-naval-procession-2011_10.html
Ang Photo Album ko sa Facebook na naglalaman ng alaala ng La Naval 2011:
http://www.facebook.com/media/set/?set=a.291980754146712.79340.100000043683462&type=3
Isang panalanging handog kay Maria, Reyna ng La Naval |
d best blogger
ReplyDeleteHabang binabasa ko naramdaman ko ang nararamdaman ng nagsulat...
ReplyDelete"Never be afraid of loving the Blessed Virgin too much. You can never love her more than Jesus did." – St Maximilian Kolbe
AVE MARIA!
"May the Mother of Jesus and our Mother, always smile on your spirit, obtaining for it, from her Most Holy Son, every heavenly blessing." - St. Padre Pio
ReplyDelete