Monday, November 08, 2010

LIT-tie Monday: PAPEL


PAPEL...
(December 05, 2009)

ANG PAPEL...
Isang malinis na bagay.
Busilak sa kaputian, puno ng kulay.
Walang bahid ng mantsa.

Kapag tinanggap mo siya,
Makikita mong wala siyang dumi,
mapapatunayan na ito ay hindi pa nagagamit.

Nagunit kapag nasulatan mo na siya,
doon lamang siya narurumhan.

kapag marumi ang iyong kamay,
makikita rito ang anino ng maruming kasaysayan.

Kapag napunit siya, o kaya'y nagusot o natupi,
mapapansin mong wala na ang dati niyang kabuuan.

Kapag pinanglinis mo siya ng dumi ng aso sa sahig,
mapupuna mo talaga na wala na siyang saysay.

At kapag wala na siyang saysay,
ihuhulog mo na siya sa basurahan.

Iisipin mo talagang wala siyang kuwenta sa kalagayang iyon...
NGUNIT SANDALI!

Isipin mo na ang buhay ay tulad ng papel.
Ihalintulad mo ang lahat ng nagaganap sa buhay mo
na tulad ng nangyayari sa isang papel.

Hindi ba?
Minsan, sa una, nakikita ka
na mahalaga sa mata ng lahat?

Pero sa katagalan ng panahon, tulad rin ng papel,
ikaw ay naiinis, kinukutya,
hanggang sa huli, ikaw ay iniitsepwera?

Pero ang mahalaga ay ito...
Tulad ng papel, nakakapag-alay ka ng serbisyo
para sa ikakaganda at ikalalago ng lahat ng bagay.

ANG PAPEL.
Huwag mong sabihing walang saysay ang bagay na ito.
Dahil tulad mo at tulad ko,
mahalaga ang papel sa sulok na ito ng mundo.

BïtZëëlöG_110810 :)

No comments:

Post a Comment